1

139 1 0
                                    


MAX x KIM


Nandito na si Chito 

Si Chito Miranda 

Nandito na si Kiko 

Si Francis Magalona 

Nandito na si Gloc 9 

Wala syang apelyido 

Magbabagsakan dito in 5 4 3 2 



'Hmmm...' Habang tumutugtog ang instrumental ng kantang Bagsakan na bigla na lang tumunog mula sa cellphone ko ay sumabay na rin ang aking mga balikat sa bawat beat ng kanta, habang, nakasubsob pa rin ang aking mukha doon sa unan.


Nandito na si Chito 

Si Chito Miranda 

Nandito rin si Kiko 

Si Francis Magalona 

Nandito rin si Gloc 9 

Wala syang apelyido 

Magbabagsakan dito 

Mauuna si Chito!

Bigla naman akong tumayo mula sa aking pagkakahiga. Oh, 'di ba? Feeling ko ako lang si Chito! With matching strumming sa invisible kong gitara at headbang kahit ang gulo-gulo ng buhok ko ay sumabay na ako sa kanta ni Chito, 'Hindi ko alam kung ba't ako kasama dito; Sama-sama sa mga pasabog nila Kiko at ni Gloc - astig patinikan ng bibig; Teka muna teka lang painom muna ng tubig... Aaaah! Ang bilis!...Ng libo libo na Pilipino nakikinig sa mga pabibo ko; Di ka ba nagugulat sa mga naganap; 'Di ko din alam kung ba't ako sikat; Para bang panaginip na pinilit makamit; Talagang sinusulit ang pagiging makulit; Kailangan galingan hindi na kayang tapatan ang tugtugan ng parokya at aming samahan; shit! pa'no 'to wala na 'ko masabi; Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi kong ito; Kunyari nagbabakasakali; Na magaling din ako kaya nasali! Aaaaaah!' Pagkatapos ay inhale ng maraming oxygen! Aaaaaahhh! Ang aga-aga'y kumo-concert ako sa aking kwarto.Trip ko talaga 'yan lalo na kapag maaga pa lang eh tinotopak na ako.Nakikisabay doon sa naririnig kong music. Nakaka-good vibes kaya, try niyo!

Nakakanta ka na, may libre ka pang suntok mula sa katabi mong natutulog pa. HAHAHAHA!!!!

Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa aking kwarto at walang paki-alam 'yong mga kapatid ko. Subukan lang nilang makialam. Nakikinig na nga lang sila sa GOLDEN VOICE ko eh. Well, I'm so proud of myself today, nakapag-rap ako ng gano'ng kahaba! Isn't amazing? Nasaulo ko 'yong lyrics nang hindi nagreresearch sa internet. Eh, paanong hindi ko masasaulo? Ringtone ko kaya ang Bagsakan. Hep! Hindi porke babae ako, hindi na ako makakahilig sa ganitong klaseng kanta. One of my favorites ko kaya ito. Hahaha!

AYYSHET!

Calling nga pala. Ano ba 'yan? Pasensiya na, ngayon lang nagprocess sa utak ko eh.

'Oh?!' bumalik ako sa pagkakahiga sa aking kama nang saguting ko ang tawag.

'MAXIMIANA ANNA CONCEPCION...!!! H'wag mong sabihing nasa kama ka pa at bago ka lang nagising?!!!!' Alam ko ang boses na 'yon, si Jane ang tumatawag at naiimagine ko kung paano lumabas ang usok sa tenga niya.

'Okay. Hindi ko sasabihin, Jane. Pero 'yon ang totoo eh. HAHAHA!!!' Pang-asar lang ang tawa?

'Max naman, kanina ka pa namin dito hinihintay. Alam mo ba kung anong oras na?'

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon