18

65 1 2
                                    


MAX x KIM

Nandito kami ngayon sa club Sibeeria, after party, at nagsasayahan ang lahat. Ako naman, mayro'n pa rin akong hangover. Saan? Hindi sa beer ah! Hooy! Hindi nga ako umiinom. Konti lang. HAHA Pero may hangover pa rin ako do'n sa part na inannounce ang pangalan namin ni Kim bilang Mr. and Ms. Freshmen Night 2012!!! 'Di ba dapat maging happy ako? Pero bakit gano'n? Ang lungkot-lungkot ko... Kainis naman kasi si Kim eh! Masaya naman siya kanina all the way the pageant tapos bigla siyang naging masungit. As in, 'yong pagkakasungit niya ngayon ay hindi maganda. Ano bang nalanghap nito? May nakain ba siya na sumakit ang tiyan niya? O apektado siya doon sa sinagot kong si Troy ang nasa heart ko? Aaaaaist! Ayan na naman tayo eh! Stop it! Stop it! Tumigil ka! Hindi natin 'yon mapapatunayan kung hindi natin makakausap ng matino si Kim. Makakausap ko kaya siya ng matino? In the first place, hindi naman matino ang taong iyon. Ewan ko nga ba eh, bilib din talaga ako sa mabilis na pagbabagong anyo niya. Dadaigin pa yata ang climate change sa pag-shift ng mood niya. Daig pa ang babaeng nireregla kung magsungit ngayon!

Tss...

Bakit na naman kaya niya ako iniiwasan? Kanina ko pa napapansin ang pangde-dedma niya sa'kin. After na inanounce na kami 'yong panalo, hindi niya na ako muling kinausap. Ano na naman kaya ang nagawa kong kasalanan do'n?

Flashback

'Kim!' Agad ko siyang niyakap nang matapos ang show at makita siya sa Backstage, 'Nanalo tayo! Congratulaions sa'tin!' Sabay ngiti ko sa kanya. Pero hindi niya binalik ang yakap na 'yon. Instead, hinawakan niya lang ang magkabila kong balikat at inilayo sa pagkakayakap sa kanya.

'Kim, may problema ba?' tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

'Kim, please naman ooooh.... Magsalita ka naman diyan para malaman ko kung anuman ang kasalanan ko sa'yo.'

Sa halip na magsilita siya ay kinuha niya lang 'yong kanang kamay ko at nilagay niya sa kanyang dibdib. Ang seryoso ng mukha ni Kim. Ano ba 'tong pinanggagagawa niya? Bakit niya pinapahawak sa'kin ang dibdib niya...? Ang puso niya?

Ako naman, para akong nakaramdam ng libo-libong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Para yatang sasabog na ang utak ko sa nararamdaman ko ngayon. Ano ba?!!!

'Kim?' pagtataka ko. Tinitigan ko lang 'yong mga mata niya. Ang daming sinasabi ng mga mata niya. Galit... selos... nagmamakaawa... Bakit? Bakit siya magagalit? O magseselos? O magmamakaawa sa akin? Hindi naman kaya tuluyan nang na-fall sa akin si Kim? Aaaayyyy! Ano ba?!!! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Hindi! Hindi! Hindi! Malamang, pinagti-tripan na naman ako ng lalaking ito. Oo nga pala! 'Di ba sinabi niya na sa akin noon pa na hinding-hindi siya magkakagusto sa akin? Max, tandaan mo ang mga words niya! Malamang may ibang dahilan kung bakit nagkakaganito si Kim. Hindi ang magkagusto sa'yo dahil parang tubig sa Pasig River 'yon... malabo!

'Hooy! Kim? Ano?' Hindi pa rin siya nagsasalita. Hello??? Ako lang ba ang tao dito? May kausap ba ako?

Binitawan niya na lang bigla ang kamay ko at umalis siya. Nakakainis na talaga itong lalaking ito! Magdadrama na parang ewan... tapos mang-iiwan na hindi man lang mag-eexplain! Ganyan naman siya palagi eeh! Palagi na lang! Palagi! Dahil hindi na ako nakapagpigil ay sinigawan ko siya bago pa man siya tuluyang makalayo, 'Ganyan ka na lang palagi, Kim eh! Magsusungit ka! Tatahimik bigla! Ano ba?!!! Kung may problema ka sa akin, sabihin mo! Hindi itong ginagawa mo akong manghuhula! Excuse me! Hindi ako si Edward Cullen para basahin ko kung ano 'yang iniisip mo!' galit na galit kong sigaw sa kanya. Wala na akong paki-alam kung may makarinig mang iba. Basta, ang gusto ko, malaman niyang hindi rin ako mapakali na nagkakaganyan siya... na nag-aalala rin ako para sa kanya...

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon