MAX
"Burrrp! AAAH!"
*insert Kris Aquino's voice* In fairness, nabusog ako do'n! HAHAHA! Favorite ko na talaga ang Italian food ngayon... grabeee... ang sarappp.... Hahahaha! I'm gonna make Bimby try this... Darlaaaaa!!!!
Ayyy ano ba 'yan? Sinasapian na naman ata ako... kaninong boses naman 'yon?
"Ang takaw talaga nito," ang masungit na sabi sa akin ni Kim na talagang naninira ng moment ko with the foods! Nakaka-asar siya ha!
"Wala ka na bang ibang masabi, ha? Kim?" galit ko sa kanya. Kesyo matakaw... kesyo madaldal... negative na lang ang palaging nakikita niya sa pagmumukha ko. Hindi niya man lang ako nasabihang maganda! HAHAHA! Iyong gusto ko pa namang boyfriend ay proud sa kagandahan ko! HAHAHA! Di joke lang! HAHAHA!
"Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo. Tanungin mo ang nanay mo," pagmamaktol ko.
"Hoy! Anong dinadrama mo diyan?" tanong niya sa akin.
"Kasi naman... negative traits ko na lang ba ang bukambibig mo palagi? Wala ka na bang ibang ma-say? Ha? Kim? Iyong positive naman sana!"
"Magaling kang tumugtog ng gitara," unang sabi niya na para bang may kumiliti sa pinakailalim ng aking heart. Chos! "Maganda ang boses mo..." Tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya habang pinaglalaruan niya ang pasta sa kanyang plato.
"Mas inuuna mo pa ang mga friends mo kesa sa sarili mo..."
"Ano pa?" Demanding talaga ako. HAHAHA!
"At maganda ka..." and this time, tinititigan niya na ako. Holeeesheeet! H-Hooy! Hindi ako kinikikig ha! Lumihis lang ako ng titig sa kanya dahil parang hindi ko na mapigilan ang ihi ko. Ahahaha! Aaaargh! KIIIIIM!!!! Why you do this to me???? Hindi ko macarry ang mga pinagsasabi mo. Request ko rin naman. HAHAHA! Napaatras ko nang bahagya ang upuan ko.
"Ako naman..." ang demand niya.
"Ha? Ikaw?"
"Oo. Syempre, dapat... sabihan mo rin ako ng good qualities ko. Ang dami ko kayang sinabi sa'yo."
"Anong marami? Apat nga lang iyon eh."
"Marami pa rin 'yon!" Kumunot na ang noo niya. Ang kasungitan talaga nito, hindi mawala-wala. Tinitigan ko siya at nag-isip... good qualities? Meron ba no'n si Kim?
"Huwag mo nang hilingin, Kim. Masasaktan ka lang... HAHAHAHA!"
"W-Wala ka bang nakikitang maganda sa akin? Tsss!"
"Wala!" sagot ko sa kanya. Mwehehe... "Pwera na lang sa iilang bagay kagaya nang... palagi mo akong pinoprotektahan; palagi mong sinasakyan ang mga trip ko kahit naman hindi mo trip 'yon; hindi ka nagsasawang kasama ako, sa kaingayan ko... sa katakawan ko; itong mga efforts na ginagawa mo para sa akin, kagaya nitong sa date natin at ang ginawa mo sa Sipalay; ang pag-approach mo sa family ko... sa mga kapatid ko at kina mama at papa; sa pagbibigay mo ng halaga sa mga friends ko kahit hindi mo talaga sila friends; ang pagiging honest mo; ang pagmamahal mo sa ate Kendall mo; ang..." Wait! Oh nooo! Mukhang ang dami ko nang nasabi. Ang sabi ko pa naman, iilan lang... pagkatapos, parang... mas marami pa ata akong nasabi kesa sa apat na naibigay niya! Waaa! Am I being too showy? Ano bang pinagsasabi ko? Hindi man lang ako nag-iisip. AAAAH! Nahihiya ako sa kadaldalan ko. I can't stop it eh.
Gulat na gulat naman si Kim. Pagkatapos kong huminto sa pagsasalita ay bigla siyang ngumiti. That Kim-like smile again! Alam ko 'yang iniisip niya! You better not be thinking---

BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!