MAX x KIM
THANK GOD IT'S FRIDAAAYYY~!
Excited na talaga akong mag-weekend, SERIOUSLY! dahil gusto ko na ng break sa pagmumukha ni Kim sungit. Alam niyo ba kung anong nangyari kahapon? He just pulled a prank on me, during PE namin. Asar talaga, kung dati favorite subject ko ang PE pero ngayon, hindi na! Nag-iba na ang pananaw ko nang dahil sa masungit na 'yon. Walang magawang matino sa buhay talaga! Wells, nabawi ko naman 'yon, pero... URG!
Flashback
'...okay, sooo pipili na kayo ng partners niyo for our first activity. This is still a part of our lesson which is Physical Fitness at ang gagawin niyo ngayon ay ang iba't-ibang klase ng warm-up exercises.' sabi ni Ms. Jalasco. Ni-reserve na ako agad ni Kim sungit dahil lang sa ayaw niya makapareha si Tanya. That girl, hanggang sa PE ba naman susundan niya kami?
'KIMEEY!!! Partner tayo... Sige na... Partner tayooo...' pagpupumilit ni Tanya-girl habang hinihila-hila niya 'yong kamay ni Kim.
'Sorry. Pero partner na kami no'ng crush ko.' Sabi ni Kim at tumingin ng masama si Tanya sa akin, with matching fire sa likod niya. 'Di! joke lang, hahaha! Pero parang gano'n kung maka-special effect si Tanya. Ang sama kasi kung makatitig.
'What's with you ba at naging crush ka ni Kimey ko? You're not even beautiful just like me,' mataray niyang tanong sa akin habang nakapamaywang at nakataas ang isang kilay. Aba! Minamaliit ata ang beauty ko. Gusto mo ng away? Hindi kita aatrasan lalo na ngayong nag-iinit ang dugo ko sa'yo! Especially nang nalaman ko na siya ang nag-iisang babae na gustong-gusto pala ni Troy, ugh! Nakakainis! Anong meron sa kanya at patay na patay sa kaniya si Troy? The same way na may gusto siya kay Kim na isang masungit na nilalang? Baliktad na ata ang mundo. Ako na lang ba ang natitirang matino na tao?
'Excuse me ha,' ang sabi ko, 'hindi kasi ako maarte, hindi kasi ako pa-english-english, at higit sa lahat, hindi ako naka-heels kung magPPE!' Yeah! Just like what she's wearing right now. Alam kong first meeting pa lang ng PE ngayon at wala munang PE uniform pero hellooo? Alam niya naman sigurong PE subject to at hindi fashion show. Bakit siya magheheels? Shunga ka teh?!!!
'Ugh! INSECURE!' sumigaw siya sa mukha ko at nag-walk out siya.
'CHE! Gandang 'to... Maiinsecure sa'yo? NEVER!!!!!' ang sigaw ko sa kanya habang patuloy na nagwa-walk-out, 'Ho-HOoy! Hindi pa tapos ang PE!' pero waley ang pagsisigaw ko sa kanya, tumuloy lang siyang lumabas sa CC at hindi na bumalik. Tss... Bahala nga siya diyan.
Tumingin naman ako kay Kim sungit na ngayon ay ngingiti-ngiti dahil umalis na si Tanya habang binabasa 'yong papel na hawak. List of warm-up exercises 'yong hawak niyang papel. Bigla siyang nagsalita, 'That was great, Max! Did you do that for me?'
'Wow ha! Ang kapal din naman ng face mo. Pwede h'wag kang feeler? Ginawa ko 'yon kasi dine-degrade niya na ang beauty ko, okay? Aist!' kinuha ko na nga lang ang hawak niyang papel at nagsimula na kami sa aming gagawin warm-up exercises.
Head rotation, arm rotation, body rotation, push ups, and partial curl ups... Sa partial curl ups, kailangan kong hawakan ang parehong paa ni Kim habang ginagawa niya 'yong exercise. I chose to knelt on it habang hinahawakan ko ang pareho niyang tuhod.
'Ouch!' sabi niya 'H'wag mong diinan.' Ang tinutukoy niya ay 'yong pagluhod ko sa paa niya. Hinampas ko tuloy siya, 'Pwede ba? Bilisan mo na lang diyan! Pa-ouch-ouch ka pang nalalaman. Bading ka?' hinawakan niya na ang kanyang ulo at nag-curl ups siya. Nagkalapit ang mukha namin nang tumayo siya ng bahagya. Expected ko naman na mangyayari 'yon pero unexpected 'yong nararamdaman kong feelings. The first thing I felt was the heat rushing in my cheeks habang seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Ano bang feeling 'to?

BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!