17

39 1 0
                                    


MAX x KIM

 'The heat is rising inside this coliseum! Palapit ng palapit na tayo sa finale...'

'Tama ka diyan, partner! I can feel the heat as each of these colleges cheer for their pambato for tonight. We already finished the showcase of Young and Wild-themed costumes... Of course, hindi mawawala diyan ang... Ano ang kulang? Young, Wild... and???'

'FREEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!' Sigawan ng mga tao.

'Pero aside from that, there is a twist in our last showcase. Bago ang mangyayaring ito kumpara sa mga nakaraang Freshmen Night dahil ngayon lang nagkaroon ng ganitong segment. Lasallians are talented. Kaya naman, together with their Free-inspired costumes, they will also show to us their hidden talents...'

Nakasilip ako mula doon sa Backstage kasi pinapanood ko 'yong mga emcees nang bigla akong tawagin ng organizer, sabi niya, pumila na raw kaming mga girls kasi tatawagin na kami maya-maya sa stage. Ako naman, alert! Pila agad habang tuwang-tuwa sa suot ko. Kahit costume lang ang pagiging angel, feel na feel ko siya!

Nginitian naman ako ni Kim mula doon sa kabilang side. Grabe! Lakas maka-support nitong partner ko. Naalala ko 'yong moment na kiniss niya ako sa pisngi in front of hundreds of viewers. Nakakaloka! Kinikilig ang lola niyo! Pero, kanina... nang niyakap niya ako. Parang may ibang effect eh. Hindi ko alam. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.

Biglang may asungot na lumapit sa'kin. Si Clifford, 'yong guy representative ng CBA, 'yong partner ni Tanya. Lumapit siya sa akin at kinausap ako, 'Hi Max!'

'Hi Clifford!'

'Ammm... Gusto ko lang sana sabihin sa'yo that you are sooo freaking pretty and ang hot mo kanina. Tell you what, kahit hindi ka manalo ngayong gabi, for me, you're still the most beautiful girl tonight. Well, if you don't mind, can I have your number?'

Ahhh... Manghihingi lang pala ng number. Dami pang sinabi eh. May pa most beautiful girl tonight pa 'tong nalalaman.

'Sorry, Clifford, hindi kasi ako mahilig sa textmate eh.' Kasi naka-banned ang phone number ko sa mga manyak. Hmp! Not to mention, gwapo nga si Clifford, pero may something sa kanya eh, ngiti pa lang manyak na!

Umalis si Clifford nang bigla namang hinila ni Tanya ang kamay ko. 'Ho-Hoooy!' Anyare sa babaeng ito? Bigla akong kinaladkad palabas ng Backstage hanggang sa labas. Hila lang siya ng hila... Hanggang sa makarating kami sa labas ng Coli.

'Aray! Tanya! Ano bang problema mo?' inis kong sigaw sa kanya. Sabi bang hilain ako at kaladkarin? Pwede naman siyang makisuyo kung magpapasama siya sa CR eh. haha! CR? Nasa loob nga pala ang CR. At nasa labas na kami, kaya malabong CR ang pinunta niya dito. Anong problema nito?

'I'm soooo irritated with you, Maximiana Concepcion!!!!!!! You always agaw-agaw everything to me! First, my Kimeeey! And now my partner???!!!!!!!! I don't even see kung paano ka naging mas pretty sa akin. You... ugly duckling!'

'HOOOOOOY! Wag mong minamaliit 'yong gandang 'to! Kung gusto mo doon sa manyak mong partner, pwes! Magsama kayo! FYI, hindi ko binigay 'yong number ko doon.'

'Whatever! Kimeeey is mine! Pati na rin itong Freshmen Night! Ako ang dapat mag-win! Not you!!!' Bigla siyang tumakbo pabalik sa loob ng Coli.

Haaay... baliw talaga 'yon. Hindi ko naman inaagaw sa kanya si Kim eh. Now I know kung bakit ayaw sa kanya ni Kim, baliw kasi! HAHAHA!!! Anyway, balik na nga lang ako sa loob. Nilalamig na ako dito sa labas dahil sa suot ko. Pabalik na ako sa loob ng Coli nang malaman kong naka-lock na 'yong pintuan papasok ng Coli.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon