21

44 1 0
                                    


KIM

'OO nga pare! OO!' Ang kulit naman ni Krystoff eh. Oo nga, 'di ba?

'Talaga, bro?! Oo ang sagot niya?' Aist! Bingi ba ito o ano?

'Oo nga ang sagot ni Tanya sa'kin. Gusto mo pa ng isa? Uulitin ko pa, o uupakan na lang kita?' sabi ko habang iniisa-isang tingnan ang mga naka-display na polo shirt doon sa harapan ko. Nandito kami ngayon ni pareng Krystoff sa loob ng Department Store sa SM. School days pero nandito kami... it's because first day of University Week ngayon, kung sa La Salle pa, L-week, or Lasallian week. Maraming activities sa La Salle na wala akong balak attend-an. HAHA! Pa-check lang ng attendance sa DO then off to SM na.

Bakit nga ba ako nandito? Para pumili ng isusuot ko sa date namin ni Tanya. You heard it right. Tanya and I have a date this coming Friday. Nagulat ba kayo? Katulad nitong kaibigan ko na kanina pa paulit-ulit na nagtatanong? Parang awa niyo na, huwag niyo na akong kulitin at tanungin ulit, okay? Kasi nakakabadtrip na.

'Eh kasi, wala ka naman talagang gusto kay Tanya. Tsaka akala ko ba si Max ang gusto mo? Anong nangyari?'

'Anong nangyari? Unang-una, mali ang akala mo. At pangalawa, it's time naman para pansinin ko ang feelings ni Tanya. Alam kong magkakagusto rin ako sa kanya... someday pare.'

'Uiy, Kim! Ikaw ba 'yan? Ginayuma ka ba ni Tanya, o ano? Pare, wala ka sa sarili mo! Dati-dati'y iritang-irita ka diyan kay Tanya. Pagkatapos ngayon, bigla mo lang naisip na baka pwedeng magustuhan mo rin siya? Hindi natuturuan ang puso.'

'Wow! Galing pa talaga 'yan sa'yo, Krystoff ha? Bakit, kailan ka pa ba nagseryoso sa relationship, ha? Tigilan mo nga ako, mas chickboy ka pa sa'kin! Mas malala pa 'yang ginagawa mo!'

Bakit nga ba ako napunta sa point na yayayain sa date si Tanya? Nothing change after all. I still have numb feelings for her. Bakit nga ba? At first, si Troy naman ang nagyayaya kay Max, right? It was the first day of Prelim pa nang naganap ang lahat...

Flashback

'Maximiana Anna Concepcion... Will you go out on a date with me?'

Time ticked fast pero wala pa ring sagot si Max. Ano namang nangyari sa kanya? Anong arte 'yan, Max? I thought it was what you want, right? Troy was there, kneeling in front of you asking you for a date! Ano ba?! Pati ang mga audiences sa paligid ay naghihintay ng sagot... at isa pa pala doon si Tanya.

Biglang pumasok sa isipan ko ang idea na si Tanya naman talaga ang gusto ni Troy. Lalo akong naguguluhan. Parang imposible naman kasi ang mga nangyayari. Eh patay na patay itong pinsan ko kay Tanya, tapos ngayon ay aalukin niya si Max para makipag-date?

Ginagamit niya lang bang panakip-butas si Max?! What the hell, Troy! Umiinit lalo ang dugo ko thinking it was Max ang ginagamit niya. Pa'no kung masaktan 'tong si Max sa huli? Ewan ko ba, pero there's a part of me na kumo-concern kay Max. And especially, mali itong ginagawa ni Troy! He wants big surprises? Then, I'll show him what he doesn't want to see.

I made my way to Tanya.

'Kim?' biglang gulat ni Tanya nang makalapit ako sa kanya. It was weird, first time niya akong tinawag sa ganoong pangalan nang walang kaartihan. Feeling ko affected din siya sa pagyayaya ni Troy kay Max and waiting for the answer.

I made an attention kaya naman lahat ng nando'n sa harap ng Coli ay sa amin na nakatingin. Pati si Max and Troy.

'Go out on a date with me, Tanya.' Ganito ako mang-aya ng date, not a question but an order. Reklamo mo?

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon