MAX
Hindi ito totoo... Hindi ito maaari... Hindi 'to posible... Hindiiii.... Bakit?! Bakit Mondaayyyy naaaa...? BAKIIIT?! Huhuhu Ang bilis naman ng panahon. Parang kakatulog ko lang no'ng Friday at pagkagising ko, Monday na! Nasaan ang hustisya?!!! Nasaan?! Ipakita niya sa'kin nang masakal ko! Nakakainis naman oh. Parang 'yong mukha lang ni Kim sungit. NAKAKABADTRIPPP!
AAAAAAAAAAAH! Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari sa'min 'yon ni Kim no'ng Saturday. May nangyari sa'min? Hoooy! H'wag nga kayong green minded. Sipain ko kayo diyan eh.
Please, huwag niyong tutularan si Kim sa pagiging topakin. Aist! Biruin niyo, sabihan ba naman ako na inlove siya sa'kin pagtapos ay sasabihin niyang joke lang! Umasa pa naman ako! HAHAHA Chos! Aiyy ang landi mo, Max! H'wag pakiusap, huwag kang aasa kasi nga may sakit sa utak 'yong lalaking 'yon. Ano nga bang tawag do'n, Bipolar?! Oo, gano'ng klaseng tao siya. Mayroon siyang sakit sa pag-iisip, pinaghalo-halong ADHD (attention deficit hyperactive disorder), MPD (multiple personality disorder) at SPS (Split personality syndrome)! Oh 'di ba? Ang bongga! Ang dami kong nalalaman pagdating sa medicine. Ikaw ba namang may genius na utak? HAHAHA 'Di joke lang. HAHAHA Si Ate Maureen kasi mahilig magbibigay sa'kin ng mga gano'ng information. Nurse ba naman ate ko tapos ang dami-dami niyang sinasabi sa'kin, hindi kaya ako ang magka-ADHD sa mga pinagsasabi niya?
Anyway,ayon nga, kagaya nga ng gustong mangyari ni Kim, nanood kami ng 24/7 Inlove pagkatapos naming kumain sa Shakey's. Baliw ring lalaki, siya ang nang-aya manuod sa sinehan pagkatapos ay tulog siya no'ng nagsimula ang pelikula hanggang matapos. Mga rich kid nga naman oh. Tinutulugan lang 'yong pagkamahal-mahal na ticket. Ginagawa pang kwarto ang sinehan. Aist! I don't care. At least ako, nag-enjoy ako. Libre na kaya 'yon. HAHAHA At nagandahan talaga ako do'n sa story ni Kim. Sayang, hindi si Xian 'yong naka-partner niya. Totally KimXi fanatic pa naman ako! 'Yong laman nga no'ng wattpad ko ay 90% KimXi. Pinapanood ko rin gabi-gabi 'yong Ina Kapatid Anak. HAHAHA
Tumingin ako sa phone ko and to find out, 7:21am pa lang. 9:30am pa ang class ko. Excited lang? Makabalik nga sa pagtulog.
Zzzz...Zzzzz...Zzzzz...
AAAAAHHHH!!! Hindi ako makatulog! At hindi ko rin maalis sa utak ko si Kim! Pakiramdam ko tuloy, nagtataksil na ako kay Troy. Hindi pa nga kami, 'di ba? Ba't gano'n? Siya naman talaga dapat ang main goal ko! Siya dapat ang pinagtutuunan ko ng pansin! Siya dapat ang nakakasama ko sa pagma-malling-malling at panunood ng sine! Siya! Siya dapat! Umeepal pa kasi itong si kuyang masungit!
Bakit nga ba ako nagkukuya sa kanya hanggang ngayon? Eh kasi nga po, mas matanda naman 'yong kupal na 'yon kaysa sa'kin. December 12, 1996 ako at siya naman ay November 11, 1995. Oh 'di ba? Ang layo kaya ng agwat ng age namin. HAHAHA Pero Kim pa rin ang tawag ko sa kanya. Ah basta! Mas matanda siya! Period! And hooy! Hindi po ako stalker niya. Wala lang, naintriga lang talaga ako sa age niya. At saka bakit? Sino ba namang tao ang walang facebook ngayong 2012? Itaas ang paa! Lahat naman ata ng information ng isang tao ay makikita mo doon at malalaman mo instantly. Kagaya na lang na nag-high school pala si Kim sa St. Joseph School-La Salle, na nakarating na pala siya sa Canada, London, Australia at Japan. Pagkatapos... Stop! Nagmumukha na nga talaga akong stalker ni Kim. Haaay nakuu! Makaligo na nga lang kahit maaga pa! At least, hindi pa ako mala-late. Yes, 'yon na lang ang gagawin ko, productive pa! Kaysa naman ubusin ko ang oras ko kakaisip kay Kim! Aaah! Leche! Iniisip ko na naman siya eh!
After fifteen minutes kong paliligo ay gumaan ang pakiramdam ko. Haaay! Feeling fresh ang lola niyo. Sarap talaga sa feeling basta bagong ligo. Since, second week pa lang naman namin sa La Salle ay allowed pa kaming mag-casual. I just grabbed my blue-green shirt Vans and blue-green high-cut Converse sneakers. 'Di naman obvious na mahilig ako sa blue-green. Syempre maong na 'yong skinny jeans ko. OA naman kung lahat na lang ay blue-green.

BINABASA MO ANG
University Lovers
Novela JuvenilExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!