4

73 1 0
                                    


KIM x MAX


7am na ko nakagising. Ayos lang since 9:30am pa naman ang klase ko ngayong first day of school. It's been, what? three weeks na nang makilala ko si sneezy girl, on the day kung kelan ako nagpa-Admission. I was wondering kung anong course niya, sa'n siya nakatira, anong full name niya, Max 'di ba 'yong pinakilala niya, bakit Max, ia-add ko ba siya sa facebook? Wait! The hell I care. Yes, Kim, anong paki-alam mo sa babaeng 'yon. She's not even worth your time. She's just some stranger na nakilala mo at hiningian mo ng favor para makalayo kay Tanya. Ang concern ko lang ngayon ay 'yong catch na hinihingi niya sa akin. Slavery?! I don't even wash my own shit, tapos gagawin niya pa akong slave. Pero come to think of it, medyo okay na nga rin 'yon para makatakas ako sa pambubwisit sa'kin ni Tanya. Iyon nga lang, being a slave to someone is not in my vocabulary.

Tumunog ang iPhone ko habang nakahiga pa rin ako sa kama. Shit! Nahulog na naman siya sa gilid ng bed. Inabot ko ito and to find out si Tanya lang naman pala ang nagtext.

'Good Morning Kimmmeey.... Sabay tayo maglunch l8er huh'

Oh shit! How would she be so certain na sasabay kaming maglunch? Tss... Stalker talaga 'tong si Tanya. For sure, nag-stalk na naman siya ng schedule ko.

EN-1B Class Schedule

Trigonometry                -   MTWTHF   -  9:30-10:30 a

College Algebra           -    MTWTHF  -   11:30-12:30 nn

Filipino I                          -    MWF        - 12:30- 1:30 p

Religious Studies I        -   MWF   -  2:30-3:30 p

English I                          -    MWF      -    3:30- 4:30 p

Chemistry Lecture         -       TTH  -   7:30-9:00 a

Chemistry Laboratory      -    T    - 1:30- 4:30 p

Group Guidance               -  T     - 4:30-6:00 p

PE I                                      - TH    - 1:30- 3:30 p

Engineering Drawing      - TH    -  3:30-6:30 p

Since Wednesday ngayon, 9:30am pa ang simula ng klase ko. Kaaga-aga Trigonometry agad. Psh! When everything is settled, nagpaalam na ko kay Yaya na aalis na ko. Tulog naman si Ate Kendall kaya hindi na ako nakapagpaalam. Dahil rin sa kakaduty niya sa hospital kaya kailangan niyang bumawi ng tulog.

Nakarating ako sa La Salle around 9:21am using my Montero Sports. Sa gate 6 na ko dumaan. Nagpark ako doon sa likod ng Engineering Building para mas malapit sa mga classrooms ko. Bumaba na ko ng sasakyan at hinanap ang classroom ng una kong subject ngayong umaga. Binasa ko 'yong schedule ko at nakita ko na ang room ay SE 20. Saan kaya 'to?

Hindi ko namalayan, sa paglalakad ko'y narating ko agad ang Engineering Faculty Room. Malimit akong nandito no'ng nagpapaenroll pa lang ako so familiar sa akin ang office. Magtatanong na lang ako sa isa sa mga estudyanteng nandoon. I approached this short girl and asked her, 'Excuse me...' Nang tumingin siya sa akin ay inayos niya ang mukhang bagong rebond niyang buhok at ngumiti. Nagulat ako dahil mukhang elementary student ang nalapitan ko. Okay, pero mukha namang dito siya nag-aaral dahil sa suot niyang uniform.

'Excuse me, miss...' I looked at her ID, 'Sheila, alam mo ba kung nasaan 'tong SE 20?'

'Ah! Eh sumunod ka na lang sa'kin. Magkatabi lang naman 'yong room natin eh. Sa SE 21 kasi ang klase ko,' ang sabi niya. Kaya naman sumunod na lang ako sa kanya.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon