KIM
Ilang araw na rin kaming nagpapractice ni Max.
Ngayon ay tuturuan naman ako ni Max humawak ng gitara. Basics lang daw muna kami para masanay raw ang mga kamay ko. 'Di ko alam, marunong pala siyang maggitara. 'Yong iba kasing babae, pakikay lang ang nalalaman. I admit it. She never seizes to surprise me.
'Hoyy! Kim, ano ba 'yan? Makatitig ka naman sa akin eh.'
'I-I'm sorry...' Oh shit! I was caught in the act. Ano ba?! Hindi ko naman namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa bahay, nagpapratice. Hindi naman sa pagmamayabang pero may music room kasi kami dito. Complete set para sa isang banda ang nasa loob ng kwarto, may drum set, dalawang electric guitar, pero 'yong isa sira na, isang bass guitar, organ at microphones na nagkalat sa paligid. Soundproof din ang walls, so hindi maririnig sa labas ang ingay. Pinagawa talaga 'to ni Kuya Kenta noong college pa siya. Pinilit niya lang si Dad na siya namang payag ng matanda. Lakas ng kapit kay Dad, 'no? Mayro'n kasing banda noon si kuya Kenta at dito sila madalas magpractice. Hindi pa naman nabuwag ang grupo nila pero may kanya-kanya na kasing mga trabaho kaya hindi na nagagamit itong room. Ngayon na lang, ngayong kailangan naming magpractice ni Max para sa aming talent.
Yeah, crazy, right? Talent para sa Mr. and Ms. Frosh Icon. Talent talaga ang inuna namin dahil mahaba-habang practice din ang kailangan dito. Kami ni Max ang napili ng mga judges para magrepresent sa aming College. Loka-loka rin kasi ang babae. Akala ko nga ayaw niyang sumali noong una. May pa hindi-hindi pa siyang nalalaman. Gusto lang palang magpapilit sa mga ka-blockmates namin. Biruin mo, pinakitaan niya ba naman ang mga judges ng confidence niya at kaingayan. Tuwang-tuwa naman sa kanya ang mga bakla kaya, ayon, siya ang pinili among the girls. Eh, sa ang gwapo ko at macho kaya ako naman ang napili sa mga lalaki. Ewan nga ba kung anong pumasok sa kokote ko, pero as far as I'm concern, tuwang-tuwa ako sa mga nangyayari. Tuwang-tuwa ako kung kasama ko si Max. Aist! Crazy thoughts, really, Kim?
Kahapon ay natapos ko siyang turuan gumamit ng drum set. Itinuro ko na agad ang part na tutugtugin niya doon sa ipapakita naming talent, para hindi na siya mahirapan. She's a fast learner kaya almost three days lang ay nasaulo niya na ang rhythm at beat ng kanta at naihahampas niya na ang drums ng maganda. After ko namang matutong tumugtog ng gitara ay tuturuan ko naman siyang mag-organ. Ito ang gagamitin naming transition habang nagpapalit kami ng instrument. Yeah, it's gonna be a tough challenge pero 'yon ang gagawin namin, isang two-man band. Dalawa lang kami, pero magiging isa kaming banda. Mostly siya ang kakanta habang ako ang nagtutugtog at may part na magpapalitan kami ng aming instruments. Basta, it's gonna be a hell of a show. And, take note guys, maganda ang boses ni Max.
'By the way nga pala Kim, sinabi sa'kin nina Kuya Jake at Kuya Ralph na next week na raw tayo magpapractice sa Coli para sa pagrampa natin,' biglang sabi ni Max habang sinasanay ko ang aking sarili sa pag-strum ng gitara habang siya nama'y nilalasap ang inihandang chocolate cake ni Yaya Betchay.
'Ah, gano'n ba?'
'At sabi pa nila, YOUNG, WILD, and FREE raw 'yong theme. So bali, tatlong damit 'yong irarampa natin. Para raw sa YOUNG, fresh looking na damit so that it will make us really look young. Pasuotin ka na lang nila ng lampin, Kim! Para magmukha kang young. HAHAHA!'
'Sipain kita diyan, gusto mo? Gusto mo lang makita ang abs ko eh.'
'Yaks! Ew! Ewan ko sa'yo, Kim. Sa WILD naman, dapat fierce at animalistic 'yong costume. At sa FREE naman, kailangan 'yong damit natin, magrerepresent ng freedom and rights,' pag-eexplain ni Max. Haay naku! Kahit kailan talaga, ang daming pakulo ng La Salle.

BINABASA MO ANG
University Lovers
JugendliteraturExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!