TANYA x TROY
Okay! I've made up my mind. Napagdesisyunan ko na talaga ito. I've used every signs na nagsasabi sa akin na dapat ko na talaga siyang gawin. Hindi na ako mag-thi-think twice pa. I know that this is a very big decision to myself pero I don't see naman na magiging bad siya. I think it's time na... it's time na para palitan ko ang hair color ko. Okay... from this previous Caramel Highlights, I'll make it to Ash Brown na lang kaya?! Ohemgeee! Just by thinking it, na-eexcite na ako sa bagong appearance ko! That's it! I'll be on my new appearance para sa date namin ni Troy.
You heard it right! I mean... read it right? Uhmmm... Magkakaroon kami ng date ni Troy bukas. Nashock nga rin ako sa biglaang pag-anyaya niya sa akin kanina eh. But I've been waiting for that for sooo soooo long na and I, Tanya Faith, have already been preparing my answer to him. Gaya nga ng pagpapalit ko ng hair color ko, I'm a versatile person. I can change the things that I want and the persons that I want to love. And with Troy, I'm going to take my chances. Akala ko nga ay naging cold na siya sa akin eh, pero hindi pa pala. This is it, Tanya Faith. At least, this time, hindi mo na pinagpipilitan ang self mo sa tao.
Dumating na ang night ng date namin. Everything goes smoothly and I can feel that. Troy reminded me of the time pero hindi niya sinabi sa akin ang lugar para surprise daw. He also told me na may magsusundo raw sa akin sa house ko and it's not gonna be him. Well, it's just fine as long as hindi niya ako masyadong i-spoil sa gabing ito.
A limousine fetched me in the house. Wearing my pinkish red dress and a pair of glass heels, sumakay na ako sa aking ride. Naging tahimik kami ni kuyang nagda-drive ng limousine throughout the ride hanggang makarating na kami sa aming destination. I know this place... and I've been here before. This is so surprising thinking na kahapon niya lang ako niyaya. Grabe ang ginawang preparation ni Troy just for our date... nagawa niyang ipasara ang buong Forest Park Nature.
Nang pumasok ako sa loob ay nakita ko agad ang naggagandahang lights na nakapalibot sa buong resort. I can hear sweet music na mukhang nag-arkila pa si Troy ng mga musicians. Mula sa malayo pa lang ay nakita ko na agad ang balsa na lulutang-lutang doon sa gitna ng pool. At sa balsa na 'yon ay may isang table at dalawang chair na nakapwesto. At may naaaninagan na akong lalaki doon, on his suits, na nakatalikod at mukhang naghihintay sa akin. I just can't explain my feelings right now. This date is too much. And I couldn't resist to admit na ang romantic nito. I've never had a man making this... so much effort to me. Ang swerte ko lang talaga kay Troy.
Kinuha ko ang phone ko at pumwesto muna doon sa may bridge area. Hindi ko pwedeng hindi palampasin ito! The running water... the different colors of lights... atsaka 'yong outfit ko... Aaaah! Ang super-duper-mega gorgeous lang ng combinations kaya magseselfie muna ako. Hmm... Aaah! Mwuah! Isa pa! Pouty lips... scaredy cat... wacky! Seductive pose... Isa pa... yeah...
At habang nagtatake ako ng mga selfie pose ko doon ay naramdaman ko na lang na may lumapit sa aking grupo ng mga lalaki. I thought nandoon sila para makapagselfie din sila with the very nice view pero nagulat ako nang bigla na lang may humila sa mga hands ko at ginapos ito. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko na phone. May isa sa kanila ang biglang nagtali ng handkerchief sa bibig ko pero bago niya 'yon nagawa ay nakapagsigaw pa ako... "AAAAAAAAAHHHH!!!! HEEEELP!!!!!!!!" Hindi ko alam kung narinig ba ako ni Troy kasi may bigla na lang naglagay ng sako sa ulo! OHHHMYGAWD!!! Ano ba itong nangyayari?!!!! Ang hair ko!!! Kakaayos ko lang niyan!!!! AAAAAHHHHH!!!! Na-feel ko na lang na may nagbuhat sa akin at naglakad siya. Ano ba 'to?! Part pa ri ba 'to ng date namin ni Troy? This is soooo nakaka-frustrate, ha! Kanino bang hanky ang nasa bibig ko?!!! Amoy cologne ng lalaki pero... hindi kay Troy 'to!

BINABASA MO ANG
University Lovers
Fiksi RemajaExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!