MAX
HOAAAH!!!!!
Anyaree?
Saglit nga... Pwede i-flashback ng mga milyong beses ang nangyari. Para kasing, hindi ma-digest ng utak ko ang mga nangyari.
Okay naman 'di ba, ang lahat. Masaya akong kumakain nang hinila ako ni Kim paalis sa room namin kasi may importante raw kaming pupuntahan tapos do'n pala 'yon sa tabing baybay kung saan may table na may masasarap na pagkain at narinig ko ang tiyan ko na umuungol dahil sa amoy ng pagkain tapos umupo ako dahil birthday ni Kim at kinantahan ko pa nga siya pero joke lang pala kasi hindi niya talaga birthday tapos hinawakan niya kamay ko tapos naramdaman ko na nanlalamig siya tapos dalawa lang pumasok sa isip ko na either patay na siya or najejebs lang siya pero syempre hindi pa siya patay, love story 'to, hindi 'to horror, kaya naman sinabi ko na baka di niya na mapigilan kaya huwag na siyang mahiyang sabihin pagkatapos... pagkatapos... pagkatapos... HAAAH! HAAAH! HAAAA! *napagod ako magkwento... *
AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!
That! That! That KIM SUNGIT just KISSED ME!!!
*YUCK!
AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!
END OF THE WORLD NA!!!!!!!!!!!!!!!!
AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hmmm... pero it taste yummy. Nalasahan ko pa ang orange juice sa labi niya. Uminom siya siguro kanina.
AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Pagkatapos ng kiss ay syempre may delayed reaction pa akong nalalaman. Nakatulala lang ako.
'You make me crazy, Maximiana,' ang sabi niya na nakatitig sa akin. 'You make me crazy in love with you.'
PAAAK!
Sinampal ko siya. Pinoy eh. May pagka-teleserye ang dating. Sampal after the kiss.
'Paalam din pag may time, okay?!' maiyak-iyak kong sinabi.
Tumayo ako. First time kong tinalikuran ang pagkain. Dapat ko 'yon gawin kahit na gustung-gusto ko nang kumain kasi nga malay ko ba kung niloloko ako ni Kim. Si Kim, ma-iinlove sa akin? Sarili ko lang niloloko ko. Urgh! Adikk siya. Pati ba naman feelings ko paglalaruan niya!
*****
TANYA
Finally, tinantanan na ako ni Troy. Not that I don't like it. Pero sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin. I went to the girl's room. For sure ma-oout of place na naman ako. They were like a group na tapos parang ako lang ang nahihiwalay sa grupo. Tsk. Hindi ko talaga feel si Max eh.
Pumasok na ako sa room at nagpa-music sa iPhone ko.
I see. Sina Jane at Lyka na lang ang naiwan sa loob.
Habang nakikinig ako ng music ay napansin ko ang paglapit sa akin no'ng dalawa, 'Yes?'
'Hi Tanya! Uhmmm... H'wag ka sanang mahiyang i-approach kami kung may kailangan ka,' sabi ni Jane sa akin. 'By the way, hindi pa pala ako nakapagpakilala ng formal, I'm Jane.'
'And I'm Lyka! Ang galing mo kanina sa Frisbee tsaka sa Beach Volleyball kahapon!'
Well, they seem nice. Kaya naman, I decided na tanggalin ang suot kong earphones.

BINABASA MO ANG
University Lovers
Novela JuvenilExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!