49

21 0 0
                                    


MAX x KIM

"Lalalalala~ Lalalala~"

"Matagal ka pa ba diyan?" rinig kong tanong ni Ate Mau sa akin.

"Five minutes na lang ate!!!" sigaw ko.

"Parang kanina pa 'yang five minutes na 'yan aah! Ano bang ginagawa mo diyan?"

"Ah... eh... nagpapaganda lang naman. HAHAHAHAHA!" Sorry na! Kailangan ko itong gawin. Kailangan kong magpaganda at magpa-impress para sa kanya... para kay Kenneth Ivan Montemayor!!!!!! PAKKSHETTT! Ano ba itong pinanggagawa ko sa sarili ko?!!!! AAAARGH! Hindi ko naman kasi gustong hindi maging maganda sa paningin niya ngayong araw. Lechee! Ganito ba kapag in love ka? Kinakabahan ako. Parang ayokong pumasok ngayong araw.

"MAAAAAX!" Kumalabog na ang pintuan ng banyo.

"Ito na nga po! Lalabas na!"

Ano nga ba ang gagamitin kong pabango ngayon? Magheheels kaya ako? Haha! As if naman nagheheels ako! Ano namang klase ng pagkakatali ang gagawin ko sa buhok ko? O hindi ko na lang kaya itatali? Maglilipstick ba ako? Sobra na ba itong polbo sa mukha ko? Anong una kong sasabihin sa kanya? Magha-hi kaya ako sa kanya? Magsusuplada ba ako kagaya nang nakasanayan namin o magsisimula na akong maging sweet sa kanya? Sasabay kaya kaming kakain ngayon? Papasok kaya siya? Susunduin niya kaya ako mula sa South Terminal? Nabubuang na kaya ako? Eh? AAAAAHHHHHHH!!!!! Nabubuang na nga ata ako!

Sumakay na ako ng Ceres at nang makarating ako sa South Terminal sa Bacolod ay nakita ko ang wheels ni Kim sa labas. HOMAYGAD!!! Andiyan siya! Andiyan siya! Act natural nga Max! Magpakatino ka! Huwag kang magpapahalatang may something else. HAHAHA! Jusmiyo! Gusto kong magpakain sa lupa at huwag nang magpakita kay Kim. Ano na bang nangyayari? Dati-rati, ayokong magpa-fall sa kanya pero ngayon... hindi ko na talaga mapigilan! Kasalanan ito nina Lyka kagabi eh. Sabi ba naman nilang dapat kong isipin nang mabuti kung anong nararamdaman ko kay Kim. Ngayon tuloy para akong temang na magkikita kami. Hindi ko talaga kaya 'to!

"Max!" Jusko! Hindi ako si Max! Nagkakamali ka nang nakita mo! Hindi ako si Max na kilala mo!

"Ahehehe... Hi K-Kim..."

"Halika na! Ang bagal mo," ang masungit niyang sabi. Wala man lang "Good morning!" o "Kamusta ang gising mo?" Aist! Mabuti na lang at masungit siya! Nag-iba tuloy ang mood ko at tinitigan ko siya nang masama. Tumuloy ako sa passenger seat na binuksan niya. "Kanina pa kita hinihintay eh," sabi niya na para bang nagpainit sa tenga ko. Maygaaaaaaaaaaaaaaad!

Sumakay na siya sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan niya. Habang papunta kami sa La Salle ay bigla siyang napatanong, "Okay ka lang? Ba't parang ang tahimik mo?"

Hindi ako sumagot. Ano naman ang gusto niyang pag-usapan namin? About sa nangyari kagabi? Eh, hindi ko nga iyon gustong pag-usapan eh. Lalo na't may hanging question siya na tinanong sa akin na hindi ko nasagot dahil nahulog ako sa pool.

"Gusto mo na ba ako?" Yong tanong niya eh. Ayokong humantong kami doon. Kaya ayokong magsalita. Period.

"HOOOY!" sigaw niya.

"Ano?" pagsusungit ko.

"Wala!" sinungitan din ako. Abaah! Hooy mister! Pwede, paminsan-minsan, ako lang 'yong magsusungit? Ako lang? H'wag mo akong agawan ng spotlight sa pagiging masungit. Araw-araw ka na ngang masungit eh. Pwede, ngayon, ako naman? "Hindi bagay sa'yo ang magsungit," sabi niya bigla habang pinapark ang sasakyan niya. "May nagawa ba akong mali?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya. Hindi ko tuloy alam kung guilty ba siya o nagsusungit lang. Aaaaist! Nakokonsensiya tuloy ako sa ginagawa ko.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon