26

23 1 0
                                    


KIM

I have to concentrate on this. Kailangan kong mag-focus. Kailangan kong bumawi. Hindi ako papayag na first year pa lang ako, may back subject na ako! Hindi ako dapat ma-fail sa Trigonometry! Tss... Prelim grade-75, Midterm grade-72, and now kailangan kong makakuha ng grade na 77 sa Endterm para makapasa. Maka-75 lang ako, magpapa-lechon na ako! HAHA Buhay Engineering nga naman, sabi nga ng mga higher years. Dito ka lang makakakita na satisfied ka na sa grade na 75 at hindi mo na papangaraping makakuha ng line of 9 na grado. Ang grading system na 30-30-40 at ang 70% cut-off...sucks! Ang hirap makapasa ng Engineering! Pero kakayanin ko ito. Kailangan ko lang ng concentration at focus sa lessons... spherical trigonometry... circles...areas... point... radius... Max... Max... Max...aaahhhh! I can't do this! Not like this na hindi ko maalis sa isipan ko si Max. Paano matatahimik ang isipan ko kung dalawang beses na akong sumubok umamin sa kanya ng totoo kong nararamdaman, and yet, I failed.

The first one, dahil sa lecheng fireworks na 'yan. The second one, ay nangyari after no'ng madugong sagupaan namin ni Troy.

 

Flashback

'Iuuwi na kita sa inyo.'

Hinila ko ang kamay niya palabas ng Business Inn. Wala na akong paki-alam sa mga nangyayari, wala akong paki-alam sa mga taong nakatingin sa amin, wala akong paki-alam sa pinsan kong dumugo ang labi dahil sa pagkakasuntok ko, wala akong paki-alam kay Tanya na ngayon ay naiwan ko sa loob ng hotel, at wala akong paki-alam na masira ang pinapangarap na date ni Max. I have to do this. Hindi ito ang ginustong date ni Max. Hindi ang para gamitin siya sa sarili mong kapakanan. Troy doesn't see Max's real worth. He doesn't see na nasasaktan din ang babaeng ito!

'Kim! Kim! Aaah!' Hindi ko napapansin na nagiging harsh na pala ako sa paghila kay Max. Dire-diretso lang kasi akong pumunta sa parking area ng hotel na nasa ilalim nito at pinuntahan ang Montero ko. Binuksan ko lang ang pintuan kung saan uupo si Max at agad pumunta sa driver's seat. Nauna pa nga akong nakaupo bago si Max nakapwesto sa tabi ko.

Along the driveway, naging tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nagsalita na siya sa kalagitnaan ng pagda-drive ko. Mabuti na lang at bumaba na 'yong temper ko unlike kanina.

'Mapapanis ang laway mo kapag hindi ka magsasalita.' Wow! Coming from a girl na likas na madaldal at ngayon ay tahimik rin.

'Don't you even feel mad or angry dahil sa ginawa sa'yo ng kupal kong pinsan?' tanong ko sa kanya. Eh kasi naman, parang ako pa 'yong mas galit kaysa sa kanya.

'Oo, nakakainis 'yong ginawa niya. Pero... pareho lang naman kami eh. Naghahabol doon sa taong gusto namin na hindi naman kami gusto. Na-gets mo? I've risk everything para lang mapansin niya like, ginaya ko ang parehong kurso niya, nakipag-deal sa'yo—-'

'Risk 'yon?'

'Oo! Risk 'yon. Delikado ka kasi kaya tumahimik ka na. Pagkatapos, 'yon na nga. Si Troy naman, ginawa niya 'yong alam niyang paraan kung saan makukuha niya ang loob ni Tanya. And that it by making her jealous using me. Na-gets mo ba ang point ko?'

'Pero mali pa rin ang ginawa—-'

'Hindi mo naman kasi na-gets ang point ko eh.'

'Na-gets ko, Max. Nakuha ko na. Nakuha ko, na hanggang ngayon, ang nakatatak pa rin sa utak mo ay walang masama sa ginawa ni Troy, 'di ba? Nagpapaniwala ka pa rin na okay lang na masaktan ka. Hindi 'yon kasalanan ni Troy. Wala siyang kinalaman. But, I'm telling you this, Maximiana. Nakakaawa kang tingnan.'

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon