KRYSTOFF
'I like... I think I like, Max.'
'YEEESSS!' I can't help myself not to shout. Eh, pa'no ba naman kasi, para akong nanalo sa lotto nang sinabi sa amin ni Kim na may gusto siya kay Max. HAHAHA!!! Nasa akin pa rin pala talaga ang swerte. Paano ba 'yan, nanalo ako sa pustahan namin ni Ree. Pupusta-pusta pa kasi siya at sa akin pa? Ako??? Na gagawin ata ang lahat makuha lang siya.
Flashback
'And if tinatanggihan mo ang offer ko na friendship... Nasasayo na 'yon.'
'Okay,' ang nasagot ko na lang sa kanya. Tss... mukhang ma-ffriendzone pa ata ako kay Ree ah. Ang tindi rin kasi eh. Hanggang ngayon, pilit niya pa rin akong ni-reresist. Pero, I'm not giving up. Anyway, dumating na rin ang order namin and we started to share the foods. Ang dami kong inorder, gusto ko kasing busugin si Ree. Hehehe
'Huwag ka nang mahiya, ubusin natin itong lahat.'
'Ha? Hindi naman ako matakaw kagaya ni Max.'
'Si Max, matakaw? Isusumbong kita doon.'
'Haaa?! H'wag, Toff, please...' Haaaay! Charie! Ang cute-cute mo talagang magalit, matuwa, mainis, at ngayon, ma-guilty, at magmakaawa.
'Okay, joke ko lang 'yon. Tsaka aminado naman akong matakaw talaga 'yong Max na 'yon. Nagtataka nga ako kung bakit ang sexy pa rin niya.'
'May mga gano'n talagang babae.' Napabuntong-hininga siya, 'Kamusta na kaya siya?' tanong niya habang hindi pa rin ginagalaw ang pagkain niya.
'Hayaan mo na nga lang siya, okay? Masaya na siya sa piling ni Kim.'
'Ha?! Eh, si Troy kaya ang ka-date niya.'
'And so? Si Max at Kim pa rin ang magkakatuluyan sa huli.'
'Hindi kaya. Si Troy ang gusto ni Max at malabong magkagusto sa kanya si Kim.'
'Bakit? Dahil 'yon ang palaging sinasabi ni Kim? Panlabas na anyo niya lang 'yon. Deep inside, minamahal niya rin si Max. Parang ako... hindi mo lang napapansin, pero nandito ka, sa heart ko.' Sabay turo ko pa sa kaliwang dibdib ko. HAHAHA!
'Ewan ko sa'yo!' Hindi ko talaga siya maintindihan, galit ba siya o kinikilig, o... ewan! Whatever pa 'yan, ang cute niya pa rin. 'Friends lang tayo, 'di ba?'
'Bakit? Nagmamahalan naman ang magkakaibigan ah.'
'Eeeeh! Basta! Hindi sila magkakatuluyan, the same way na magkakatuluyan tayo.'
'Owws? Paano kung magkagusto si Kim kay Max? Eh, 'di... alams na.'
'Hindi nga 'yon mangyayari.'
'Pustuhan pa tayo?'
'Ha? Ayoko nga.'
'Takot ka lang matalo sa akin eh.'
'Fine. Basta, team MaxTroy ako. Kung mapapatunayan kong hindi magiging sila ni Kim, titigilan mo na ako sa pa-charm mo sa akin.'
'And if I win, mag-oout of town tayo during Sem Break.' Ma-sosolo na rin kita sa wakas, my beautiful Ree.
End
Napa-smirk na lang ako kay Ree habang nakasimangot siya sa likod ng malalaki niyang eyeglasses. Nandoon pa rin kami sa loob ng Stingers. Break namin ni Ree at kausap namin ngayon si Kim.
'Eh, hindi naman 'yon makakatulong sa problema ko eh,' sagot sa akin ni Kim matapos kong ikwento sa kanya ang pustahang nangyari sa amin ni Ree.
'Sorry, bro. Natutuwa lang talaga akong malaman that I won against Ree. Saan ko kaya siya magandang dalhin this Sem Break? Hmmm... I guess sa beach, dapat 'yong malayo... dapat—- wait! Yeah, I got it! Sa Sipalay.'

BINABASA MO ANG
University Lovers
Novela JuvenilExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!