31

28 1 0
                                    


MAX

Second day dito sa Sugar Beach-Sipalay...

'UWAAAAAAA!!!!!!!!!! ANG SAKIIIIIIIIIIIIIITTTTTTT!!!!!!! HUHUHUHU... Mamamatay na ata ako!'

'Hoy! H'wag ka ngang O.A! Hindi ka pa mamamatay! Natamaan ka lang ng Frisbee sa ulo.' Narinig kong sabi ni Lyka. Kahit pa! Ang sakit-sakit kaya! Tsk!

'Are you okay?' Nagulat naman ako nang patakbong lumapit si Kim sa akin at kumoncern. Ako ba ang natamaan ng Frisbee o siya? Anong nangyari sa utak niya? O baka naman... nangtitripping lang siya! Kasi nga... on the first place, siya 'yong nakatama sa akin ng Frisbee!

'Okay?! Sa tingin mo okay 'yong ginawa mo? Ano ka ba? Bulag?!'

'Ewan ko sa'yo!' Woah! Nagalit na siya sa'kin. 'Tinatanong ka nang maayos, tapos ganyan ang isasagot mo?'

'Sorry po ha. Maayos din naman kasi akong maglaro tapos gaganituhin mo ako!'

'Parang hindi mo 'yan nagawa sa akin kahapon sa Beach Volleyball!'

'So?! Gantihan na pala 'to?!'

'Ang dami mong sinasabi! Aaaahhh!!! Sana 'yang bibig mo na lang tinamaan ko para at least baka tumahimik!'

*****

CHARIE

Nag-aaway na naman sila. Hindi ko talaga sila maintindihan. They look like perfect for each other, pero away nang away. Ang masaklap pa nito, nag-aaway sila sa maliliit na bagay.

Another thing bothers me, si Krystoff.

Kahapon pa siya tahimik. Nagalit kasi ako sa kanya kahapon sa ginawa niya at ngayon I feel guilty. Tapos, naaawa pa ako sa kanya ngayon dahil he never gets the chance to play, simula pa kahapon sa Beach Volleyball hanggang ngayon sa Frisbee. Hindi naman kasi ako marunong maglaro ng mga ganitong sports. Kaya pati si Krystoff ay hindi na rin sumali sa laro para balance ang dalawang teams. He looks depressed kasi nga una pa lang, siya na ang nag-organize ng outing na ito tapos parang hindi siya nag-eenjoy. I feel really guilty -_-.

Kaya naman, I have to do some moves para hindi na siya malungkot. Nilapitan ko siya habang nagrereferee sa laro nila ni Max ng Frisbee. Naghehesitate pa akong magsalita pero... sige na lang. 'Uhmm... Toff?'

'Yes, Ree? Is there any problem?'

'Malungkot ka ata. I'm so sorry...'

Hinarap niya ako. 'Hey, you don't have to say sorry. Naging jerk ako kahapon so I deserve this.' Tapos ngumiti siya. That smile gave me the sign na itutuloy ko ang nasa isip ko. Iyong feeling na mapagkakatiwalaan ko siya with this idea. 'Uhm... Y'know what? Kung gusto mo, magswimming tayo after this?' Hindi naman ako usually ganito pero, ito lang ang maisip ko ngayon eh. The "thing" na magpapasaya kay Krystoff.

'Sure!' Ang mabilis na sagot sa'kin ni Krystoff. Sabi sa inyo eh!

PRRRRRRTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!

The game ended. And the winner, of course... it's the GIRL'S POWER! Sina Max and her teammates! Pero sa tingin ko, si Jane at Lyka lang naman ang nagpapanalo sa kanila. Athletes kaya ang dalawa sa Frisbee no'ng highschool kami. Magaling rin si Tanya. And Max, sabihin na nating she did her best.

'HAHAHAHA!!!!!! Wala pala kayo eeh! LOSEEER! WEAAAAAAAK!' ang pang-aasar pa ni Max kina Kim.

'Pinagbigyan lang namin kayong mga girls para makaranas man lang kayo ng kahit isang pagkakapanalo. We're so kind y'know!' ang sagot ni Kim kay Max.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon