KIM
Calm down, you freaking heartbeat!
Aaaaaahhhhhhh!!!! Darating din siya... darating din siya... Magtiwala ka lang sa kanya na darating din siya... I gave kuya the right address... and I told her na huwag siyang mala-late... Pero... shit! One minute na siyang late, hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko! I'm in the middle of pool at dito ko plinanong magdinner kami. With everything na inorder ko pa mula sa ibang bansa to make this date special... the musicians from France... the food which was prepared by the chefs na nanggaling pa sa Italy... and the lights and all the decorations na inayos ng kinuha kong organizer mula pa sa England... I just have to wait for her. Malalate lang siya kagaya nang palagi niyang ginagawa sa klase. Tama! At hindi niya ako dapat makitang kinakabahan dahil nakakabawas lalaki 'yon. I have to calm myself... Kailangan ko nang pangpakalmang kanta!
Mabuti na lang at nadala ko ang aking iPad. Wala kasi akong masyadong kanta sa aking phone kaya inilapag ko muna ito sa mesa at ikinabit ang earphones sa aking iPad. And then, I plugged those earphones in my ears. Searching song... Ito maganda! Blank Space by Taylor Swift... Cover by I Prevail Band! Oh yeah! Punk Goes Pop! Rak na ituu!!! Sheeet! Nakakapakalma talaga 'yong mga ganitong kanta! May papikit-pikit pa ako ng mata na nalalaman at feeling ko ako 'yong kumakanta! AAAAAAARRRRRH!!!!!
Bigla akong nakarinig nang sigaw na parang hindi naman kasama sa kanta... "AAAAAAAAAHHHH!!!! HEEEELP!!!!!!!!" Haaa?! Ano 'yon?!!!! Tinanggal ko ang aking earphones at tumingin sa paligid... wala namang tao. Hmm... Baka imagination ko lang... Wala pa rin si Max... oh well, back to my jam!
After 30 mins., nakailang kanta na ako mula doon sa playlist kong Punk Goes Pop Vol. 6 at hanggang ngayon ay wala pa rin si Max! Okay! That's it! Where the hell is she?!!!! Sumusobra na siya sa pagiging late niya!
I took my phone from the table para tawagan na siya and to find out na nakailang missed call na pala siya... Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong wala pa rin siya... just the guys na tumutugtog ng piano at violin... Bakit naman siya tatawag sa akin gayong wala pa naman siya dito? Oooh... please, Max... don't tell me diniditch mo ako sa date natin.
I called her number.
RIIIIIINNGGGGGGGGGG........................ katcha!
"Hello?"
"KIIIIIIIIMMMMMMMM!!!!!!! KANINA PA KITA TINATAWAGAAAN AAAH!" Nabingi ako agad sa sigaw na ginawa niya. Jeeez.... Ang bibig talaga ni Max oh!
"Hoy! Kung makasigaw ka! Pasensiya dahil hindi ko napansin ang phone ko. Asan ka ba?! Bakit wala ka pa dito?" tanong ko sa kanya. "Kanina pa kita hinihintay ah!"
"Going na ako diyan... Ipapaliwanag ko sa'yo ang nangyari..."
"Bilisan mo!"
"Yes sir! Eto na nga eh! Bakit ba naman kasi sa Forest Park Nature mo naisipang magdate tayo?! Ang layo-layo!"
"Eh sa gusto ko dito!!!"
"Ayy! Kim... pinatatanong nga pala ni Troy kung kasama mo ngayon si Tanya..."
"Si Tanya?! Bakit ko naman magiging kasama si Tanya ngayon? Wala siya dito!" Bakit niya naman hinahanap si Tanya sa akin? Of all the people? Siya pa ang maghahanap kay Tanya? At sa akin pa? Seryoso ba itong si Max? Wait!!!! Pinatatanong ni Troy? Pagkatapos tila may sinabi siya sa kasama niya ngayon na narinig ko through the phone... "Wala raw doon si Tanya, Troy." Troy?!!!!!
"MAX!"
"Ano?!!!!"
"Are you with my cousin right now?!"
BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!