39

27 2 0
                                    


MAX

'Kim... bakit mo ba ako nagustuhan?'

Ang init! Ang init! Ng pisngi ko... ng hininga ko... ng titig ni Kim sa akin. Nagulat siya sa tanong ko. Eh... kasi naman. Bakit ako pa? Of all the girls in the world na pwede niyang magustuhan... bakit ako pa? Alam ko namang kagandahan ang beauty ko, hahaha! At marami na ang bumalak na manligaw sa akin... pero si Kim? Si Mr. Kenneth Ivan Montemayor? Ang mayabang na si Kim?! Ang mahangin, walang puso at higit sa lahat... masungit na si Kim?!!! Ang palaging umaaway sa akin na si Kim? Ang naiirita sa kadaldalan ko at katakawan kong si Kim? This isn't Kim, actually. He is... different. Can really a person change because of love? At kung nagplaplay lang siya ng prank sa akin, this is too much. Para kausapin ang mga parents ko at mga kapatid ko for a date? Even Harold never did those things. Kaya nga nahasa ang skills ko sa pagiging ninja dahil tumatakas lang ako kapag gabi na magdadate kaming dalawa. Well, high school daysss... Tsaka past na 'yon! Ayoko nang balikan. I have to live myself today and prepare for what's coming. Pe-Pe-Pero... I'm not prepared for this kind of situation... chos! Hahaha! Pero, totoo! Hindi pa ako handa na magkaroon ng commitment kay Kim. Sa ibang lalaki siguro, oo! Kagaya ni Papa Troy! Hahaha! Shit! Naalala ko na naman eh. Ano ba?! Naka-move on na nga ako.

Tinitigan ko si Kim na nakaupo doon sa loob ng Montero Sports niya habang nakababa ang bintana ng kanyang kotse with that hanging question. Ano?! Hindi niya ba narinig ang tanong ko?

'Kim?!'

'Ahhh eh... Bakit kita nagustuhan? I don't know. Maybe, because of who you are. Yeah, I like you, Max, because of who you are and because of what I become whenever I'm with you.' Shit! English 'yon! Lang'ya naman 'tong si Kim oh, pinadudugo ang buhok ko sa ilong. Pero na-gets ko 'yon. HAHAHA! Smart ata 'to! HAHAHA!

'Masaya ako,' patuloy niya pa. 'Masaya ako na kasama kita at gusto ko 'yong pakiramdam na kapiling kita.' Ayieeeee! Wait! Bigyan niyo muna ako ng moment para kiligin! Shit! Damn you, KIM! Pinakikilig mo ako sa mga words mo! Iisipin ko munang hindi ikaw si Kim! Aaaaaaaahhhh!!!!! Lang'ya! Ang landi!

'Kinilig ka naman sa sinabi ko.' AYYY?!!!! Bastos na nilalang! Sinabi niya 'yon with matching pa ng mapang-asar niyang ngiti.

'Che! Sinong kinilig do'n? Eew! Ang baduy nga!'

'Anong sabi mo?!!! Hooy! Hindi ako baduy ha!'

'Ang baduy mo kaya! Wala nang gumagamit ng word na "kapiling" ngayon. Ano ka? Si Francisco Balagtas?!' Mehehehe! Ang sama ko, pero inunahan niya kasi ako eh. Kaya ayan tuloy. 'Tsaka ano 'yong you like me because of what you become whenever you're with me? Ano? Baliw? Eh, para tayong mga baliw kung magkasama tayo eh.'

'Ewan ko. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko sa tanong mo eh.'

'Whaat?! You don't even know kung bakit mo ako nagustuhan?'

'Bakit?!!! Kailangan ba talaga ng reason para magustuhan mo ang isang tao?'

Hmm...

May point si kuya. Oo nga naman. Hindi naman talaga dapat binibigyan ng reason kung magkakagusto ka sa isang tao. It's wrong to say na nagustuhan mo ang isang tao dahil mabait siya? O dahil maganda siya? O kaya dahil mabango siya? Matalino? Sexy? Everything fades eh. Dapat, if you really like someone, you like him/her for who he/she really is without any reason at all. And it's not liking anymore... haaaah?!!!!! I-I-In-love na bang tawag do'n?!

Nandito na si Chito... si Chito Miranda...

Nandito na si Kiko... si Francis Maga---

'Hello?' Agad kong sinagot ang tawag ni Lyka sa cellphone ko.

'Hello, Max?! Si Charie 'to. Na-Nandito ka ba sa Bacolod?' Ramdam ko 'yong panginginig ng boses ni Charie.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon