TROY x TANYA
'Iyan! Iyan ang matatamo mo dahil sa pagpapaiyak kay Max!'
Ouch! Kim's punch did really hurt my jaw. Galit na galit nga ata itong pinsan ko sa akin. Naitumba niya ako doon sa kinauupuan ko and I sensed blood on my lips. Pero dapat ko ata 'tong makuha. Hindi ko naman agad narealize na maaapektuhan pala ng gano'n kalaki si Max sa plano ko. She even cried. Goddamn it, Troy!!! Ano na nga bang tumatakbo sa utak mo ngayon? You just made a girl cried. The thing you most hate at all! Damn it! Damn it! Damn it!
Pero anong ginagawa dito ni Kim? Bakit nandito siya kasama ni Max na nanggaling sa CR? Eh, hindi ba may date din sila ni Tanya? Don't tell me...
I immediately looked around nang makatayo ako.
And there she is.
Oooh Tanya... hindi mo 'to dapat makita. Gulat na gulat siyang nakatingin sa amin ni Kim. What have I done? What should I do?! Galit na galit pa rin sa akin si Kim at kitang-kita ko 'yon sa mga mata niya. This is all fvcked up! Pero...in the first place, bakit naman iiyak si Max kung hindi naman siya umaasa na magiging kami? Eh, alam kong hindi siya agad-agad mahuhulog sa akin dahil may intimacy sila ng pinsan ko. Akala ko hindi siya masasaktan kung aamin man ako sa plano ko. That's why I chose her para paselosin si Tanya dahil she's just the right girl. Hindi siya katulad ng ibang babae na umaasa agad. She's different. And I knew for sure na walang gusto sa akin si Max. Sinigurado ko 'yon. I'm not the "Troy" she is in loved with, right? Unless, kung... hindi siya nagsasabi ng totoo.
Nang magtangka pang sumuntok si Kim sa akin ay pumagitna na si Max.
'Kim, ano ba?! Tumigil ka na nga!'
'H'wag mo nga akong pigilan, Max! I can't stand it anymore! Seeing you being used by Troy para lang paselosin si Tanya without you knowing it!' sumbat niya kay Max. Shit! Nagu-guilty ako sa nagawa ko. The feeling is just worst! I'm the worst person now! Ang sama-sama ko talagang tao! Hindi rin naman talaga ako papayag na ganun-ganunin lang ang taong mahal ko.
'Alam ko naman 'yon, Kim,' rinig ko kahit na mahina ang pagkakasabi ni Max kay Kim. Malungkot ang mga mata niya. It's like, she's admitting na may kasalanan din siya sa nangyari. Oooh Troy! What a mess have you done?
'Alam mo naman pala eh, tapos ngayon, iiyak-iyak ka!' Sumisigaw pa rin si Kim. Lahat ata ng tao doon sa loob ng Business Inn ay nakatingin sa amin.
'Ano ba?! Napaluha ako kasi nga napuwing lang ako.'
'Shut up, Max! Alam ko kung ano ang totoo kaya you don't have to make a story para pagtakpan ang kasalanang ginawa ni Troy.' Ang totoo? Ano nga ba ang totoo? Napatahimik si Kim at tumingin sa akin nang galit na galit.
Matapos siyang huminga ng maraming beses ay nagsalita siyang muli, 'Iuuwi na kita sa inyo.' At hinila niya ang kamay ni Max palabas ng Business Inn. Nakita kong nagsorry si Max sa akin gamit ang mga labi niya bago tuluyang nakalabas ng hotel. You don't have to say sorry Max, it's all my fault and I have to deal the consequences. Isa pa sa mga consequences si Tanya. Alam kong galit na galit rin siya sa ginawa ko. Sinira ko ang date nila ni Kim. Sinira ko ang matagal nang pangarap ni Tanya. At baka dahil dito ay lalong mapalayo ang loob niya sa akin.
*****
'Tanya.' Lumapit sa akin si Troy, still with that blood on his lips, doon sa table where me and Kim had just our date kani-kanina lang. Ang bilis ng mga pangyayari. We were just having our date, me and Kim, and he just said na mahal niya ako. Ang saya-saya ko that moment, superr saya ko talaga thinking that finally I got Kim's heart. Pero it went all sooo fast, mula doon sa pag-alis ni Kim sa table namin hanggang doon scandalous act na ginawa niya kay Troy. I never knew na nandito rin pala sila nagdadate ng bitch na 'yon. And I heard everything they said. Pinapaselos pala ako ni Troy kaya niya ininvite sa date si Max. I actually felt happy when I heard that, pero nang makita kong hinila ni Kim ang hands ni Max getting out of the hotel, I was hurt. Iniwan niya akong mag-isa dito. Iniwan niya ang supposed to be date niya. Iniwan niya ang kanina lang ay pinangakuan niyang mahal niya.

BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!