PAC 3

13 6 0
                                    

"Hoy ikaw pala yung new drummer!" Bungad sa akin ng mga kaklase ko kinabukasan. Paano nalaman ng mga 'to?!

"Saan niyo nalaman?" Takang tanong ko.

"Sa FB! Nag-story si Uno ha? Nandoon kayo ni Selena! Gago ka swerte mo!" Niyugyog ako ng isang kaklase ko na hindi ko naman ka-close. Feeling close ampota!

"Omg, araw-araw mo makikita sila Tres, Uno saka Dos. Nakakainggit ka girl!" Ani naman ng isa at may pakagat-kagat pa siya sa panyo niya. 

Jusko ano ba nangyayari sa mga 'to? Nau-ulol na ba sila?

"Friend na tayo ha! Huwag kang makakalimot!" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi non. Hindi ko nga kayo ka-close eh. Diba ayaw niyo sakin kasi matalino ako't favorite ako ni Sir Habha? Gusto ko sana sabihin yan kaso baka mapag-initan ako sa room na 'to. 

"S-sige." Pilit akong ngumiti kahit ayoko na silang malapit sa akin. Ang init saka nakakailang! Ayoko ng may humahawak-hawak sa akin.

Pagdating ng break ay pinuntahan ko si Lando. Papasok palang ako sa building nila nasalubong ko na agad siya. May kausap siya at nang makita ako ay iniwanan niya ang kasama at lumapit sa akin. 

"Hoy, ginagawa mo rito?" Bungad niya bago ako hilain sa damit ko. 

Lagi niya nalang ako hinihila sa damit! Ayaw niya ako hawakan sa braso kapag hinihila, ewan ko ba kung bakit pero hinahawakan niya lang ako kapag kailangan. Kapag tutulungan tumayo, kapag matutumba at kapag marami ang tao. Hindi niya ako inaakbayan sa daan tulad ng ginagawa ng ibang mga lalake sa kaibigan nilang babae.

Ewan pero baka nung dahil sa isang beses na nahawakan niya ako ay umatras ako at parang napansin niya na ayaw kong may humahawak sa akin. Komportable naman na ako sa kanya kaya kapag hinahawakan niya ako sa balat ay okay lang pero kapag ang iba ay parang ayoko.

"Wala! Bawal ba ako dito?" Inis kong sagot bago tapikin ang kamay niya.

Binitawan niya naman ako at hinayaan maglakad ng normal. "Hindi, pero kung ako yung masusunod, oo bawal ka dito." 

Inirapan ko siya. "Sayang, ililibre sana kita." 

"Weh? Sus, lagi na lang ako umaasa tapos hindi naman totoo." 

Natawa ako at nahampas siya. "Joke! Tara kain, celebrate tayo."

"Celebrate ampota, bakit? Nanalo ka ba sa lotto?" 

Panira talaga ang isang 'to. Gusto kong pingutin kaso maraming tao ang nakatingin sa amin. Yes, literal. Mukhang nasagap narin nila yung balita na nakapasok ako sa Fourteen Tres. Ano? Gulat kayo 'no? Well, Mickey lang 'to.

"Higit pa sa lotto Landonisa. Kaya libre mo 'ko ha." Umangkla ako sa braso niya.

"Please lang Mickey. Kahit isang linggo lang huwag ka muna mamburaot." Sabi nito kaya natawa ulit ako. Ang saya talaga kapag naiinis ko siya.

Pumila kami sa canteen na marami pa rin ang nakatingin sa akin. Nakakailang naman, ano bang meron? Naging drummer lang naman ako tapos pinagti-tinginan na ako agad?! Sabagay, sikat naman kasi talaga ang Fourteen Tres. Dapat eni-expect ko na ang mga ganitong bagay eh.

"Wow instant famous ka ha. Baka naman pwede mo 'ko hanapan ng bebe." Bulong ni Lando sa akin kaya siniko ko siya.

"Baka isumbong kita sa ka-talking stage mo na may pa-screenshot ka pa ng convo niyo para painggitin ako." 

Tumawa siya. "Tagal na naming hindi nag-uusap, ewan ko pero baka bumalik sa ex niya."

Hinagod ko naman ang likod niya kunwari. "Kawawa ka naman, lagi ka nalang hindi pinipili. Ayos lang 'yan, pagsubok lang yan." 

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now