PAC 14

7 3 0
                                    

Dumating ang araw na opening na nung sports bar na pagtutugtugan namin. Dumating kami roon ng mas maaga at nagpicture picture para na rin i-promote ang bar. Kasama namin si Manager L kaya nag seryoso muna kaming lahat.

"Are you guys ready?" Tanong ni Tres sa amin. 

Tumango naman kaming lahat at nakipag-apir sa isa't isa. Hindi namin kasama si Art pero sabi niya susunod siya mamaya, hindi ko nga lang alam kung anong oras, alas singko na at baka mamaya andito na 'yon.

Ang daming kabataan ang nandito at halos lahat sila ay excited na sa performance. Ang daming nagpa-picture kay Tres na naka black shirt at pants lang pero ang lakas ng dating, si Selena naman ay naka color white long sleeve at high waisted short, as usual ang ganda niya kaya ang siya ang pinakamaraming picture sa amin para i-promote ang bar.

Ako naka brown oversized shirt at denim overall jumpsuit na bigay ni Tita dahil hindi na raw kasya sa kanya. Bilang lang ata ang picture ko pero ayos lang yon, hindi naman ako mahilig sa picture picture talaga.

Nagsimula na kami sa tugtog at hindi ko sinasadyang magkamali. Nasalo naman yon ni Tres pero nakakahiya dahil lumingon sa akin ang lahat. Punyeta! Kinakabahan lang po mga guys!

"And of course guys, habang nag-eenjoy kayo diyan you can suggest any songs at kami na ang bahala diyan." 

Gaya ng sinabi ng owner ng bar, siya ang nag-provide ng papel para sa mga magsu-suggest ng kanta. Gosh, kinabahan ako doon, sana ay alam ko ang kanta na isu-suggest ng audience. 

"Oy, first song from ate… Melanie, Daylight by Maroon 5!" Ani Tres sa unahan bago kami harapin.

"You know that song right?" Aniya.

Nagsi-oo ang tatlo at ganon rin ako. Buti at nakikinig ako ng kanta nila kaya alam ko ang beat, kung hindi patay na ako nito. 

"Okay ate Melanie, this song is for you!" 

Huminga ako ng malalim bago pakinggan ang intro ni Dos, tumili ang mga nanonood dahil sa boses ni Tres. Kahit naman ako mapapatili dahil doon.

"Here I am waiting, I'll have to leave soon. Why am I holding on?" 

Nag-ready ako ng turn ko at salamat dahil maayos naman ang pasok ko. Nakisabay ang crowd sa kanta ni Tres hanggang sa mag-hyper na ang lahat. Hindi namin tinapos ang kanta at hanggang chorus lang dahil marami na agad ang hawak na papel ng owner ng bar.

Sunod naman na kanta ay Two Steps Behind by Def Leppard. Alam ko rin yon dahil favorite yon patugtugin ni papa, mabuti at alam ko ang mga kanta. Nakakahiya kung hindi, alam kasi nila Uno, Dos at Selena yon. 

Naka-pito na ata kaming kanta hanggang sa sinabi ni Tres na last na ang kukunin niyang papel dahil sabi ni Manager L. Kung hindi pa binasa ni Tres ang nasa papel, hindi ko mapapansin na nandito na pala si Art kanina pa.

Nakaupo siya ngayon sa table namin kasama si Manager L. Naka hoodie lang na black at mukhang inaantok pero pumunta pa rin. Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin nung gabing 'yon, kapag naaalala ko yon bigla na lang may gumagapang sa tiyan ko, yawa.

"Crush by David Archuleta po, pwede po si Arthur yung kumanta kuya Tres? Please po. With crying emoji pa si ate Angela ha. O sige, Art halika!" Natatawang sabi ni Tres bago hanapin si Art.

Nanlaki ang mata ko at nag-panic dahil hindi ko alam ang kanta. Tinawag ko si Dos na tumatawa rin dahil kay Art na mukhang ayaw umakyat.

"Dos!" Mahinang tawag ko. 

Lumingon naman siya na nakangiti pa rin pero nakataas ang kilay na parang nagtatanong. 

"Hindi ko alam yung kanta." Mabilis kong saad.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now