"Good morning."
Hinilamos ko ang mukha ko nang marinig ang boses ni Art. Nahihiya pa akong bumangon dahil akala ko ay wala akong saplot pero suot ko na pala ang isa sa mga damit niya at ang pang-ibaba ay pajama.
"Good morning." Bati ko pabalik bago maupo.
Inilapag niya ang tray sa gilid bago ako bigyan ng halik sa ulo. "Let's eat."
Bahagya akong napangiti bago ilibot ang paningin sa kwarto. Nag-init ang mukha ko nang makita ang damit ko sa side table at nakatupi. Ngayong gising ako, ramdam kong wala akong bra na suot, buti at sinuotan niya ako ng underwear.
"Nagluto ka? Wala ka bang pasok?" tanong ko rito.
Umiling siya bago ako subuan. "Don't worry, minsan lang ako kumukuha ng klase kapag wala akong ginagawa."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang klase. "May pasok ako!"
Tumawa ito at kinurot ang ilong ko. "It's sunday cutie. Wala kang pasok, memorize ko ang schedule mo."
"Mickey!"
Pareho kami napalingon sa pinto nang marinig ang tinig ni Tres, mukhang papunta siya sa kwarto ko kaya sumigaw si Art para dito na pumunta si Tres.
Sinusubuan ako ni Art nang pumasok si Tres sa kwarto. Nakasimangot ito at nakangusong lumapit sa amin. Gusto kong matawa, mukhang kagigising lang niya dahil magulo ang buhok nito.
"You're learning another language, aren't you? Can you translate this one?"
Bahagya akong natawa nang ipakita niya sa akin ang cellphone. Mukhang seryoso nga siya sa pinapagawa, doon ay nakita ko ang isang picture na mukhang handwriting ng isang haponesa. Sigurado akong si Shakira ang sumulat nito.
"Are you being serious, Tres Acopio? You'll disturb my woman for that?" Ani Art bago ako ulit subuan.
Napakamot ng batok si Tres bago titigan ang sariling cell phone. "I don't understand, nag-aaral naman ako ng japanese but this one is... hard."
Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang cell phone mula sa kanya. Binigay niya naman yon bago maupo sa kama katabi ni Art.
Tiningnan ko ulit ang photo at sinubukang basahin, may alam naman ako ng konti sa japanese at mukhang... sinusubukang sabihin ni Shakira na mahal niya ang binata.
"Why did you sleep here, Mickey?"
Nag-angat ang tingin ko nang tanungin yon ni Tres. "A-ah..."
"Tss, kunin mo na nga yung cellphone mo at kumakain kami, istorbo." masungit na sabi ni Art at inagaw sa akin ang cellphone bago idukdok sa dibdib ni Tres.
"Daisuki desu raw." Pahabol ko nang maglakad na siya paalis.
Lumingon ito sa akin pagkatapos ay nakita ko kung paano pumula ang tenga niya bago tuluyang lumabas. Napailing ako, mukhang alam niya ang meaning non kaya kinilig.
Nang matapos sa almusal ay siya na rin ang nagbaba ng tray. Mariin akong napapikit nang sinubukan kong maglakad. Tangina, ang hapdi.
Bubuksan ko na sana ang pinto pero binuksan na yon ni Art mula sa labas. "What are you doing? Where will you go?"
"S-sa kwarto ko-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuhat niya na ako para ihatid sa kwarto ko.
Napangiti ako nang maamoy siya, parang gusto ko na lang isubsob ang mukha ko sa leeg niya buong araw kung itong amoy naman ang maaamoy ko.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...