PAC 38

7 2 0
                                    

R18

"Congratulations, Arthur!"

Sinalubong kami nila Uno, Dos, Tres, Margareth, Manager L and Louie sa bahay para i-celebrate ang 3rd anniversary ng kanta ni Arthur na "Balangaw" na humakot ng awards!

"Thank you guys!"

Tres throw a party for us, kahit kaunti ay masaya dahil sa kakulitan ni Uno at Dos. Mags-swimming din kami sa rooftop kaya ngayon ay pumipili na kami ni Margareth ng two piece.

"It looks like red suits you! Because your hair is also red so... here." Ibinigay niya sa akin ang isang pulang pares.

Napangiwi ako dahil ang pang-ibaba ay side tie at ang pang-itaas ay tie front bikini top. Mukhang hindi ko kayang suotin 'to.

"Oh come on, don't show me that face of yours. Change now 'cause Shakira will be here anytime soon, we'll wear two pieces too so, you're not alone!"

Wala akong nagawa kundi ang magpalit. Nag-short ako ng maong dahil hindi ko kayang maglakad doon na naka-panty lang! Paglabas ko banyo ay nasa kama si Shakira at Margareth na hinihintay ako.

Parehas na silang nakabihis, ang top ng kay Shakira ay kulay blue, ang kay Margareth naman ay kulay black. Naka see through cover up si Shakira habang si Margareth ay gaya ko... bra lang ang suot pang-itaas.

Kumuha ako ng sando para sa amin ni Margareth pero hindi niya sinuot kaya ako na lang ang nag sando.

"Ang tangkad mo naman Shakira." Puri ko nang makalabas kami sa kwarto.

"Ilang beses mo nang sinabi yan, Mickey." Natatawang aniya, hindi ako maka-move on eh!

"She's not wearing heels yet, what if she's wearing them?!" Reklamo naman ni Margareth na tinawanan namin ni Shakira.

We became friends when I entered the world of modelling, sila ang nagturo sa akin ng basic posing at kung paano maging confident sa harap ng camera pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mahiya kapag nakasuot ako ng maiikling damit.

"The girls are here!" Sigaw ni Margareth nang makapasok kami sa rooftop.

Salamat at hapon na at hindi na ganun kainit sa pwesto namin. Busy sa pag-iihaw si Tres at Dos habang si Uno at Art ay nakasandal sa railings ng rooftop at mukhang naguusap. Napangiti ako habang nakatingin sa likod ni Art.

Hinawakan ko ang bracelet na sinuot ko ngayon. Ang bigay ng lola niya sa kanya. Matagal ko nang hindi 'to nasusuot at ngayon na... balak ko na siyang sagutin ay isinuot ko ulit ito.

Yes... sasagutin ko na siya mamaya. Sa tatlong buwan na nakalipas, nakita ko kung paano niya ligawan hindi lang ako... kundi ang pamilya ko. Masaya ako kapag nakikita silang nagtatawanan at mas lalo akong sumaya nung makita ko kung paano sila mag-usap ni papa.

There's something in his eyes that I can't tell, kahit hindi ko rinig ang usapan nilang dalawa noon sa garden, nakita ko naman ang kislap sa mga mata niya at isang malawak na ngiti na hindi ko nakita nung kasama niya ang sarili niyang ama.

"Woohoo!!! Congratulations, Arthur Centauri!"

Napatakip ako sa mukha nang buksan ni Uno ang isang beer at iwasiwas yon sa ere. Kasunod non ay ang pagtulak sa akin ni Margareth sa pool, nagpanic ako buti at sumunod agad si Art at hinawakan ako.

"Marga! Hindi sabi ako marunong lumangoy!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh! Your prince charming is there, don't worry he can do CPR!"

Sunod niyang itinulak si Shakira, tumabi na si manager sa gilid dahil ayaw niyang matulak. Itutulak na niya sana si Louie pero bigla na lang siyang binuhat ng binata at sinama sa pagtalon.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now