PAC 1

20 7 0
                                    


"Okay lang ba suot ko?"

"Oo okay lang yan, talent naman titingnan don." Sagot ni Lando.

Nabo-bother kasi ako sa suot ko. Baka kasi hindi pasok dahil lahat ng nandito ang se-sexy ng suot. Well, I was wearing a black oversized shirt and dark brown cargo pants. Ang buhok kong medium length ay naka-bun malapit sa batok pero alam kong kita pa rin ang undercut ko. I just wore lip balm and eyeliner for my light makeup.

"Sigurado ka? Baka hindi ako tanggapin kasi wala akong taste?"

Nangunot ang noo niya at kinotongan ako. "Ang nega mo, drummer nga role mo hindi model. Okay na yang suot mo, pakitaan mo sila ng talent."

"Eh bakit sila ganyan suot." Turo ko pa sa mga babaeng nakapila.

"Tss, syempre andiyan si Tres. Sino bang hindi magpapaganda para kay Tres?" Lumingon ito sa akin. "Edi ikaw."

Hinampas ko siya agad. "So sinasabi mo na hindi ako maganda?"

"Sus, nagagalit kapag sinasabihan na maganda tapos magagalit pa rin kapag sinabihan na. So ano ipupuri ko? Ang gwapo mo?" Sagot nito habang hinihilot ang hinampas ko.

"Oo gwapo ako." Inirapan ko siya.

Pinanatili ko ang straight na face para kunwari intimidating kahit na kinakabahan na ako. Ano kayang tutugtugin ko or ipapatugtog nila? Sana yung alam ko, kaya ko naman mag-adlib kaya confident ako pero kapag sa ganito na, parang mame-mental block ako bigla.

"Tingnan mo sila, ang bilis lumabas diba?" Bulong ni Lando bigla.

Tumango naman ako. Oo nga, ang bilis naman ng iba? Saka bilang lang ang mga lalake na sumali, halos lamang ang girls.

"Kasi, hindi naman talaga sila marunong mag-drums or piano. Umepal lang para makausap yung Fourteen Tres." Natatawang saad niya.

Natawa na rin ako. So kaya pala mabilis dahil peke lang na maga-audition sila? Akala ko pa naman marami akong makakaagaw sa pagiging drummer, buti yung iba nang-trip lang. Yes! May chance!

"Miles Macey Serrano?"

Napatayo ako nang tawagin ako. Pati si Lando sa gilid ko ay napatayo rin.

"Yes po?"

"May package ka sa baba, paki-kuha."

Todo kalabog na ang puso ko tapos package?! Anong gagawin ko doon sa package sa gitna ng audition na 'to?! Nandoon ba ang magic spell na sasabihin ko para mapili ako?! Akala ko naman ako na ang next!

"Sige po." Si Lando na ang sumagot at hinila ako sa damit pababa.

Badtrip ako habang binubuksan ni Lando ang package, siya rin ang nagpirma kahit hindi siya si Miles.

"Amina nga!" Inis kong hinablot ang package bago umakyat.

"Hoy, ano laman?"

Pagkaupo namin ay doon ko lang nakita ang laman. Balot na balot pa sa bubble wrap tapos headband lang pala na mickey mouse ang laman?! Pinahirapan pa ako ha!

"May note sa plastic, akala ko naman kung ano. Amina nga yang bubble wrap."

Kinuha ko yung note na sinabi ni Lando. Ang pangit naman ng penmanship! Jusko, ano raw? Nag-korean ba 'to? French?

"Basahin mo nga Lando, baka maintindihan mo dahil parehas kayo ng sulat." Binigay ko sa kanya ang sulat dahil hindi ko talaga maintindihan.

Sumingkit ang mata ng Lando at binaliktad ang note. Doon ay nag-normal na ang mata niya at handa na basahin sa akin. So baliktad pala ang note? Kaya pala hindi ko maintindihan... pero nang silipin ko naman ay hindi ko pa rin maintindihan! So mga baliw lang ata ang nakakaintindi.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now