"What happened, Ms. Serrano? You failed my three quizzes in the past two weeks. Ang dami ng absent mo this month unlike before na perfect attendance ka. I once caught you staring at your notebook like you're in space, tell me Ms. Serrano. What's bothering you?"
Nakayuko lang ako sa harap ni Sir Habha habang pinapagalitan niya ako. Late kasi akong nagpasa ng folder kaya napagalitan ako. Hindi ko kasi nagawa kagabi dahil late ako nakauwi galing sa trabaho.
"Sorry sir, pagod lang po siguro." Mahinang saad ko.
"Look. Simula nung nakasali ka sa banda nila Mr. MalGrano naging ganyan kana. You shouldn't be part of that band if you can't handle your responsibilities as student, daughter and a drummer. Sinasabi ko sayo 'to dahil concern ako sa scholarship mo, kapag bumagsak ka this semester, I'm pretty sure you'll lose your scholarship."
Dahan-dahan akong tumango. "Salamat po, sir."
Mabigat ang balikat kong umalis sa office niya at naglakad sa hallway. Kapa-kapa ko ang bracelet ko para mabawasan ang kaba, kaba dahil nakatingin sa akin si Art ngayon na nasa dulo ng hallway.
Hindi ko siya dinapuan ng tingin at nag tuloy-tuloy na lang sa paglalakad. Simula nung gabing yon, hindi ko na siya kinausap. Alam kong mali yon pero gusto ko nang lumayo at masanay na wala siya kung sakaling layuan niya ako kapag kumalat na ang video.
"Mickey... Mickey ihahatid kita sa bahay niyo."
Binilisan ko ang paglalakad dahil nasa tabi ko na pala siya. "Huwag na Art, umuwi ka na lang."
"I can go home late, wala naman akong kasama sa condo. I will drive you home o baka may pupuntahan ka pa? Ihahatid kita."
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. "Sasabay ako kay Lando. May trabaho ako sa shop ng kuya niya."
Nahinto ako nang harangan niya ang daan ko. "Let us talk. I want to talk to you, please let me."
Marami na ang nakatingin sa amin at ang iba ay nagbubulungan na. Hindi ko siya sinagot at nilampasan siya pero hinarangan niya ulit ang daanan ko.
"Anong problema natin? We're okay that night right? Anong problema? Pag-usapan natin." Desperadong sabi niya.
Hindi ako makatingin sa kanya dahil feeling ko kapag nagtama ang paningin namin, lalambot nanaman ako at ayokong mangyari yon. Gusto kong lumayo na muna sa kanya, sa kanila.
"Gosh girl, may nag-send sa akin ng scandal. Si Mickey daw yon?"
"T-shirt pa lang!"
"OMG, TRES NEEDS TO SEE THIS!"
Agad akong naglakad papalayo kay Art nang marinig ang usapan na yon ng mga babae sa likod ko. Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa makita ko si Lando sa gate.
"Napasa mo na? Bakit parang..." Napalingon siya sa likod ko. "Oh, hi tol."
"Hi." Sagot naman ni Art.
Inirapan ko si Lando bago siya hilain. "Par sumusunod siya satin. Bakit? Nag-away ba kayo?" Bulong ni Lando habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
Umiling lang ako at hindi na nagsalita. I feel bad at ignoring him, pero sa ikabubuti naman namin 'to. Ayoko lang masaktan kung sakaling siya na ang lumayo kapag nakita ang video.
"Mickey... kahit i-seen mo lang ang chats ko, I'm okay with that." Rinig kong huling sabi niya bago kami makasakay ni Lando sa jeep.
"Gago, bakit naman ginanon mo si Arthur? Hindi mo ba narinig yung nangyari sa kanila ng papa niya?" Ani Lando bago magbayad para sa aming dalawa.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
Storie d'amoreDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...