"Tita, babalik po ako mamaya mga 9, diyan lang po ako sa Langka street, sa kaibigan ko lang po."
"Sige sige, balik agad ha? Isasarado kasi ni Justine ang gate." Paalala niya.
"Opo, salamat po." Isinarado ko na ang pinto ng kwarto nila ni Tito dahil lumalabas ang lamig ng aircon. Ang lamig! Hindi ko kaya sa ganoon, pero sila ay nakasando lang sa loob na parang init na init pa.
Pagbaba ko ay nagsuot ko ang earphone dahil maglalakad lang ako papunta doon. Madilim na at malamig kaya nag jacket ako at maong shorts na hanggang tuhod at nagsapatos pa ako!
Dahil gutom ako ay natatakam na agad ako sa handa. Nang makaliko sa Langka street ay nakita ko kaagad ang isang motor sa tapat ng bahay. may second floor din ang bahay nila at halata na malawak ang loob non.
Pagkarating doon ay icha-chat ko sana si Art pero lumabas na siya mula sa loob at nagulat pa ata sa akin. Tinanggal ko ang earphone ko at itinago.
"D-dumating ka." Natatawang saad nito.
"Ayaw mo ba? Sige uuwi–"
"That's not what I meant." Pagputol niya agad kaya bahagya akong natawa. "Come in."
Iginayak niya ako papasok sa gate, may dalawang sasakyan sa loob at maliit na garden sa gilid. Hinintay ko si Art na mauna pero sabi niya sa likod lang siya at ako ang mauna, nagtalo pa kami kung sino ang mauuna hanggang sa may umubo mula sa pinto.
Agad akong umayos ng tayo nang makita ang isang babae na nasa mid 40's ata at may suot na floral halter top dress. Ang dami niya ring bracelet! Gold ang iba pero ang iba naman ay bato. Ang ganda din ng suot niyang pearl necklace.
Mahaba ang buhok nitong brown at ang balat ay maputi, gaya ng mata ni Art, ganoon din ang mata ng babae. At kung hindi ako nagkakamali, siya ata ang mommy ni Art.
"Good evening po." Bati ko.
"Good eve. Classmate mo, Art?" Sagot nito at bahagya pang lumapit sa amin.
"No mom, my… friend. Drummer nila Tres." Sagot nitong katabi ko.
Tumango ang mommy niya at tiningnan ako. Hindi ako mapakali dahil doon, tingin niya pa lang natatakot na ako!
"Oh… what a cool girl. Pasok kayo, may pagkain sa loob." Anyaya niya at nauna na.
Sumunod ako agad sa kanya dahil ako ang gustong mauna ni Art pumasok. Para kasing siya pa ang nahihiya sa sarili niyang bahay eh.
Pagpasok sa loob ay naupo kami sa sofa. Sabi na eh malawak sa loob! Hindi ko alam kung saan ang kusina pero pagpasok mo ay living room ang bubungad sa iyo, kita mula sa living room ang isang treadmill at mga gamit pang-exercise at sa gilid naman ay ang isang malaking hagdan.
Ang laki rin ng chandelier sa sala at hula ko kaya ako non kahit umupo ako doon. Ang daming paintings at statue, meroon pang isang malaking bilog na salamin sa may hagdan na kitang-kita ang sarili mo kapag dumaan ka.
"Ang ganda ng bahay niyo." Bulong ko kay Art.
"I don't think so, tara sa garden tayo." Aniya at tumayo.
Agad akong sumunod sa kanya pero hindi palabas. Nilagpasan lang namin ang gym area at paglabas mo sa isang mahabang hallway ay ang malawak na garden ang bubungad sa paningin mo. Doon ko nakita ang mga bisita, mga matatanda at tatlong kasing age namin.
"Art!" Narinig kong sigaw ng isang lalake, paglingon namin ay nakita ko si kuya Taiseer.
"Kuya! Happy birthday!" Bati naman ni Art at binigyan ng yakap si kuya Taiseer.
"Happy birthday po kuya!" Masayang bati ko rin nang dumapo ang tingin niya sa akin.
"Uy si Ma'am! Salamat ma'am." Nahihiyang saad nito.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...