PAC 25

8 2 0
                                    

"Good morning." 

Kagigising ko lang at paglabas ko ay naamoy ko na agad ang niluluto ni Art sa kusina. Pagdating ko doon ay bagong ligo na ito, naka white sando at pants na siya pang-school.

"Good morning din." Bati ko pabalik, mukhang maaga siya ngayon dahil minsan ay sabay naman kaming pumunta sa school.

"I need to go earlier compare to my usual schedule for my group work. Nasa akin kasi ang soft copy ng mga gawa nila so kailangan ko maging maaga. Let's eat." 

Nagmumog muna ako bago maupo sa tabi niya. Nakatingin pa siya sa cellphone at parang may ka-chat habang kumakain kaya kumain na lang rin ako. Naaalala niya kaya yung nangyari kagabi? Kasi ako, hanggang ngayon ay nasa alaala ko parin yon at mukhang hindi na maaalis.

"Why are you silent?" 

Nagulat ako sa pagtatanong niyang iyon. Ibinaba na niya ang cellphone at tumingin sa akin. Umiling lang ako bilang sagot.

"Hmm? Are you okay? Naging maayos ba ang tulog mo sa kwarto? Malamig?" Sunod-sunod na tanong nito.

Maliit akong ngumiti. "Medyo… pero makapal naman ang kumot mo." 

"I'll buy you some pajamas, hindi ka pinadalhan ng pajama?" Pagtatanong pa niya bago kumuha ng gatas at salinan ang baso naming dalawa.

"Huwag na, kukuha na lang ako ng ibang gamit ko sa bahay mamaya kung pwede."

He nodded. Pagkatapos niya magsalin ay kumain na ulit siya, nabalot kami ng katahimikan at tanging ang kutsara na tumatama sa pinggan lang ang naririnig. That awkward silence won between us, buti at may tumawag sa kanya kaya nag-excuse siya sandali at sinagot ang tawag sa tabi ko.

"Hello? Yes… oh? Kasama yon? Alright akong bahala… I forgot pero madali lang naman yon–thanks. Yes papunta na ako, sige… bye." 

Napalingon ako sa kanya na hindi na naubos ang kinakain at agad tumayo para kuhain ang uniform niya at isinuot sa harap ko habang nakangiti pa sa akin.

"Mauuna na ako. Kung may kailangan ka just call me, okay?" Aniya at nagsuot na ng sapatos.

Tumango ako. "Ingat ka." 

Pagkatapos niya magsuot ng sapatos ay lumapit siya sa akin at nagulat ako dahil mabilis siyang humalik sa pisngi ko bago inumin ng isang lagok ang gatas at kinuha na ang susi ng motor.

"Ingat ka rin, mamaya na lang ulit." Paalam niya.

Kumaway ako sa kanya bago siya mawala sa paningin ko. Nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan ay wala sa sarili akong napangiti. Baliw na ba ako? 

Tahimik ang buong unit hanggang sa matapos akong kumain. Liligpitin ko na sana ang pinagkainan namin nang makita ang cellphone ni Art na nasa lamesa. Hala! Nakalimutan niya!

Mabilisan kong hinugasan ang mga hugasin at naligo. Kahit maaga pa ay gumora na ako para maiabot kay Art ang cellphone niya. Pagkarating ko sa University ay pumunta ako sa building nila. Mamaya pa namang 8am ang unang klase ko at 7 pa lang naman ng umaga.

Ang kaso, hindi ko alam kung saan siya matatagpuan. Ang laki ng building nila at baka abutin ako hanggang mamaya kung iisa-isahin ko ang bawat rooms.

Hanggang sa napilitan akong magtanong sa mga estudyanteng halatang iniiwasan ako.

"Ate, excuse me." Ani ko sa isang babaeng naglalakad na at papasok na sana sa isang room pero napigilan ko.

"Yes? Pakibilisan parating na ang prof namin." 

"Ahm, kaklase niyo ba si Art?" 

Umiling ito pagkatapos ay luminga sa paligid. "I saw him downstairs, sa may garden." Mabilis na sabi niya at pumasok na sa loob.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now