"Ate 'diba sila Tres 'to?"
Binitawan ko agad ang mga hugasin at nagpunas ng kamay para makita sila Tres sa TV. Sumandal ako sa gilid at hindi napigilan ang pag-ngisi.
Gumwapo siya lalo, ang buhok ay malinis pa rin katulad ng dati, ang braso ay lumaki at mas lalong pume-fresh ang mukha. Hindi lang siya kundi pati na rin sila Uno at Dos na nasa gilid niya, nagma-mature na ang mga katawan! Silang tatlo lang? Bakit… wala si–
"Nasaan kaya si Arthur?"
Kunot noo akong napalingon kay mama na nagsalita habang buhat buhat si Artair na tulog na. Ayaw pang ilapag dahil magigising agad ito at iiyak.
"Kilala mo si Arthur?" naguguluhang tanong ko.
Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi niya. "Alangan! 'Diba doon ka tumutuloy sa kanila noon? Sus, manliligaw mo ba siya?"
Mas lalong kumunot ang noo ko habang si Mari ay natatawa. "Hindi ha… tagal na kaya naming hindi nag-uusap."
Binalik ko ang tingin sa TV. Pino-promote pala nila ang bagong kanta nila pero bakit wala si Art?
"Mga ka-ILY please listen to our newest single entitled 'I Chose You' that will be release this sunday. Panoorin niyo rin po kami sa live ng aming official Fourteen Tres' facebook page tuwing 5pm to 7pm, nandoon po si Uno, Dos, ako at si Arthur. Thank you mga ka-ILY!"
May live sila? Pumasok agad sa isip ko na manood kaso baka mag-notif na nanonood ako, nakakahiya naman. Akala ko ay wala si Art, nandoon pala siya at isa sa mga judges ng dance contest ng show.
Nang ipakita siya sa TV ay nagsi-ubo si mama at Mari. Hindi ko sila pinansin at nanatiling nakatitig sa TV. Walang pinagbago sa mukha niya, bukod sa mas lalong gumwapo, lumaki narin ang mga braso niya at mukhang isa na siyang mataas na tao na hindi na maaabot nang ganon kadali ng kung sino lang.
May sinabi ang host tungkol sa kanta na ire-release niya raw. Napaayos ako ng tayo dahil doon. Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa pag-ngiti niya sa camera.
"Ah yes, my very first song. Please support me." Natawa ang lahat sa sinabing yon ni Art dahil sobrang ikli lang.
"I don't want to spoil. Panoorin niyo na lang ako sa Music:On this saturday, ako ang guest nila at doon niyo malalaman ang tungkol sa unang kanta ko, thank you."
Pagkatapos ko manood ay pinagpatuloy ko na ang paghuhugas. Hindi maalis sa isip ko ang hitsura niya, ngayon kumpirmado na sobrang na-miss ko siya. Ang pagngiti niyang yon ay sobrang na-miss ko.
Mabagal lumipas ang mga araw kahit gusto ko na mag-sabado. Kaya nang dumating ang pinkahihintay kong araw ay hindi ko mapigilan ang pagwawala ng puso ko.
"Saan ba yung Music:On? Anong channel?" Pagtatanong ko dahil hindi naman ako nanonood ng TV.
"Sa cable yon, hindi naman tayo naka-cable." Pagsagot ni Mari na tinatalian si Madison.
Bumagsak ang balikat ko, gustong gusto ko pa naman manood. "Diyan oh kayla ate Emma may cable, sabihin mo makikinood ka."
Tinago ko ang pag-ngiti ko bago pahawakan si baby Artair kay mama. "Oh? Saan ka pupunta?"
"Diyan lang po kayla ate Emma, makikinood."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kumatok kayla ate Emma. Mamaya pa raw ang Music:On kaya nag-volunteer akong palitan ang mga kurtina nila na dapat ay gagawin niya para naman hindi ako nakaupo lang.
"Maghahanda lang ako ng meryenda ha, pagkatapos niyang pinapanood ko, Music:On na."
"Salamat po."
Nakaluhod na ako ngayon sa lapag habang iniipon ang mga kurtina na dadalhin ko para ilagay sa likod ng bahay na lalabhan ng kasambahay nila nang biglang nag-MTRCB na tandang tapos na ang pinapanood ni ate Emma.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...