"Ate payag ka? Sasama ako sa live nila Tres?" Pagtatanong ni Mari sa akin isang araw.
Nagsalubong ang kilay ko. "Magkasing-edad kayo? Ha? Uso mag-'kuya', Marigold." Inis kong sagot.
Nandito kami sa labas. Ang bakuran ay ginawang garden ni mama kaya nakatambay kami dito. Bumisita kasi sila ni Xavier sa amin dahil weekend. Nandoon sila sa loob at tina-try ang mga damit na binili ng daddy ni Xavier kay Artair.
"Payag ka ba na sumama ako sa live nila kuya Tres?" Natatawang ulit ni Mari.
Nailapag ko ang bracelet na tinatahi ko para kay Artair. "Ikaw ang bahala, magpaalam ka muna kay Xavier."
"Payag yan." mayabang na sagot nito. "Isa pa, kapag binanggit ko na pumayag ka, hinding-hindi na yan rereklamo. Takot yan sayo."
Napangisi ako, "Dapat lang."
Nakipag-usap sa amin si Tres kung pwede daw ba na sumama si Marigold sa live nila this friday para daw sabihin ang totoo tungkol sa video at sa anak ko. Alam na rin nila Uno, Dos, Tres at Manager L na hindi ko anak si Artair at pinagtakpan ko lang si Mari.
Hindi naman sila nagalit, naiyak pa nga si Manager L dahil ang dami raw nang-bash sa akin at halos pandirihan ako ng lahat dahil doon. Hindi naman ako nagsisi na ginawa ko yon. Tingnan mo ngayon sila Mari, masaya na siya kasama ang mag-ama niya.
Hindi ko sila pinayagan umalis hangga't hindi ko natatapos ang bracelet na ginawa ko. Mama parin ang tawag sa akin ni Artair at mommy naman kay Marigold kaya napangiti ako, buti at hindi na siya umiiyak tuwing wala ako.
"Ingat kayo ha! Xavier, ingat sa pagda-drive." Paalala ko nang umalis na sila.
Tumingin sa akin si Xavier at ngumiti. "Yes, ate."
"Sabing mas matanda ka!" Reklamo ko.
"Magkasing-age kayo? Ha? Uso mag-'kuya' Miles Macey." Panggagaya ni Mari sa akin na nasa front seat at nakabukas ang bintana.
"Kung sungalngalin kita diyan, Marigold?" Lumapit ako sa kanya pero naisara na niya ang bintana.
Natawa na lang si Xavier bago magpaalam sa amin nila mama. Pagkaalis nila ay pumasok na rin kami sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at natulog dahil ang aga ko nagising kanina, hindi naman ako inistorbo nila mama dahil alam nilang may pasok ako bukas.
"Maglalako tayo ngayon?" Gulat na tanong ni ate Alex kay ma'am Alice.
"Yes! Dahil special day 'to para sa atin, maglalako tayo! Ang may pinaka-maraming benta ay may bonus sa akin."
Nabuhayan ang lahat sa sinabi ni ma'am pero lumingon sa akin ang iilan. "Huwag na sumama si Miles! Duga, siya lang bagets sa amin makakahakot yan ng buyers!"
Natawa ako. "Kailangan ko rin ng bonus, sorry kayo." saad ko bago ilugay ang pula kong buhok.
Gaya ng sinabi ni ma'am Alice, naglako kami kung saan. Ka-partner ko si kuya Charles, ang isang 30 years old na 'hot' pa rin base sa mga katrabador namin. Natawa ako dahil alam kong crush 'to ni ate Alex, grabe nga siya kung makatingin pero tinawanan ko na lang dahil takot siyang sabihin ko kay Charles na crush niya ang binata.
"Wala namang bibili dito, doon kaya tayo sa malapit sa University?" Suhestiyon ni kuya Charles.
Napalunok ako. Malapit dito ang pinasukan kong University noon. Baka doon ang tinutukoy niya. Dahil mukhang doon kami makakabenta, sumama na lang ako kay kuya Charles.
"Hi! Baka gusto ninyong i-try itong product namin for only fifty and thirty-five pesos!" Ani kuya Charles. Nasa likod niya lang ako dala ang box.
May dumating na iilang estudyante at tiningnan ang products, halos mag-squat na nga ako at ilatag ang mga bracelet sa sako na dala ni kuya Charles para makabenta kami.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...