PAC 6

16 4 0
                                    

Nagmamadali akong magsapatos dahil sabi ni Art malapit na siya. Lintek, hindi ko namalayan yung oras! Malapit na pala mag-8 am. Kailangan nandoon na ako, baka ma-traffic pa kami ni Art mamaya.

"Ate hindi ka pa kumakain." Puna sa akin ni Madison.

Ngumiti lang ako sa kanya habang nagme-medyas. "Hindi na kakain si ate. Maligo ka na pagkatapos mo kumain ha?" Paalala ko.

Kinuha ko ang cellphone ko nang bigla itong umilaw. May chat si Art at nanlaki ang mata ko dahil nasa kanto na raw siya! Agad kong kinuha ang bag ko at isinabit sa katawan ko. 

"Ma alis na po ako!" 

"Bahala ka!" 

Hinalikan ko ang ulo ni Madison bago lumabas ng bahay. Habang mabilis na naglalakad ay naga-apply ako ng pabango at lip tint. Simple lang ang suot ko, dark brown oversized shirt and black cargo pants. Tatlo lang ang cargo pants ko na kulay brown, black at green. Sinusuot ko lang 'yon kapag may importante akong pupuntahan at isa itong gig sa importante na 'yon.

Nakita ko si Art na nakaupo sa motor niya at nagce-cellphone. Ang helmet niya ay nakapatong sa tuhod at sinusuportahan 'yon ng siko niya. 

Malambot ang buhok niya kaya sumasayaw 'yon sa hangin, naka-suot ito ng black formal suit pero white dress shirt at red necktie lang ang suot niya pang-itaas at ang blazer niya ay wala. Hindi siya payat pero hindi rin malaki ang muscle niya, sakto lang ang katawan pero matangkad kaya agaw pansin ang hitsura niya.

"Hoy!" Sigaw ko habang papalapit ako. 

Lumingon naman siya bago ibulsa ang cellphone na hawak. Pagkatapos ay walang effort siyang bumaba sa motor niya at kinuha ang helmet at blazer niya sa box na nasa likod ng motor.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong nito.

Tumingin naman ako sa suot ko. "Bakit? Wala namang masama ha?" 

"I know. Pero sabi nila kailangan formal ang suot. You should be wearing a dress." Sagot nito at isinuot ang blazer niya pero hindi 'yon binutones. 

"Ha? Wala akong nasagap na dapat formal ang suot!" Nagpa-panic na saad ko. Hindi ako nasabihan!

"Okay okay, pwede naman na ata yan. Let's go, baka ma-traffic."

Binigay niya sa akin ang helmet na sinuot ko naman. Inikot niya muna ang motor pagkatapos ay sumakay na ako sa likod niya. Sumandal ako sa box at kinuha ang cellphone para i-text si Lando na papunta na ako sa hotel kaya sumunod na siya kaso ang sabi niya baka hindi siya papasukin kasi hindi siya invited sa program na magaganap. Oo nga 'no? Hindi ko 'yon naisip!

Traffic sa nadaanan namin at kinakabahan ako kasi 9 na! Buti at motor ang gamit namin at nakakasingit agad siya kapag may pagkakataon. 

Pagkarating sa hotel ay half run kaming pumasok at may pinirmahan pagkatapos ay pumunta na kami sa likod ng hotel dahil sabi nila doon daw magaganap ang program. 

Nakasunod lang sa akin si Art at ako ay kinakabahan dahil tanaw ko sila Selena, Uno, Dos at Tres na formal nga ang suot. So… hindi pwede ang suot ko! Pagkalapit ko sa kanila ay nagsalubong ang kilay ni Manager L. 

Fuck shit.

"What the… bakit ganyan ang suot mo?" Napayuko ako. "I've sent all of you an email saying that you should wear formal attire. Is this what you called a formal, Mickey?" 

Tangina, todo kalabog ang puso ko. "W-wala po ako… na-receive na email, Sir." Halos pabulong kong saad.

"Hindi mo na-receive or wala ka lang talagang formal na maisuot dahil lahat ng damit mo ay ganyan?" 

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now