PAC 40

9 2 0
                                    

"Mickey!" 

Napalingon ako sa pinto nang marinig si Zacaria, natawa ako nang makita siyang may tuwalya pa sa ulo. Mukhang bagong ligo pero dito dumiretso sa kwarto ko!

"Excited yarn?" Natatawang saad ko bago ayusin ang dress na isusuot ko mamaya para sa kasal. 

Isa ako sa mga bridesmaids. May apat pang bridesmaids na naka-close ko naman kahit papano. Ang alam ko ay kasintahan ni Uno at Dos ang dalawa at ang dalawa ay kaibigan ng bride.

"Happy birthday!" Bati niya bago ako halikan sa pisngi.

Nangunot ang noo ko, "Bukas pa! Excited talaga siya oh."

"Actually ang pinunta ko talaga dito is…" lumapit siya sa akin, "I just want to know if my partner is… you know, hot?" bulong nito.

Bahagya akong natawa. Hindi kasi siya naka-attend sa rehearsal at hindi niya pa nakikita ang partner niya. Masyado kasi siyang busy sa hotel kaya ako na ang kumuha ng litrato sa partner niya para ipakita sa kanya ngayon.

She shouted when she saw the picture. "Omg! This is Apollo! Omg omg. I want to hug kuya Isaac for shipping us!"

Natawa ako bago kunin ang cellphone sa kanya dahil agad siyang lumabas para pumunta sa kuya niya. Napailing ako bago maupo sa tapat ng salamin dahil aayusan na ako.

Sinabi ko sa mag-aayos na ikulot ang dulo ng buhok kong pula at i-half ponytail. May mga clip rin na nilagay sa buhok ko na ang design ay butterfly, sinabihan ko rin siya na huwag kapalan ang makeup dahil mas maganda ako kapag simple lang ang nasa mukha.

"Ang ganda niyo po!" Puri ng babae nang mai-suot ko ang dress.

"Salamat po." 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang kulay ng dress namin ay emerald green. Gaya ng kay Zacaria, off shoulder din ang akin, maluwag ang off-shoulder kaya para akong naging diwata dahil sa dress.

Nang matapos ay dinaanan ko sila Zacaria para sabay-sabay na kaming makapunta sa simbahan. 

Napangiti ako nang makita si Arthur doon, nauna na pala sila dito. They're wearing all-black tuxedos, even the bow tie is black. Naka-waxed ang buhok nito at ang linis-linis tingnan. He looks so expensive.

"Fuck, whenever I see you wearing a dress, I feel kilig." bulong nito.

Natawa ako bago siya hampasin. "Kilig ampota, bawal magmura nasa simbahan tayo!" bulong ko rito.

He laughed, "Kasasabi mo lang ng ampota, huh?" 

"Shh! Inulit pa ampo–" nakagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili sa pagmumura, "–pogi mo." 

Nag-aasaran lang kami doon hanggang sa kailangan na namin pumila para sa pagsisimula ng ceremony. Para akong tanga na ngiting-ngiti habang nakasukbit ang braso ko kay Arthur habang naglalakad kami sa gitna.

"I can't wait to see you walking here with your parents." bulong niya.

Sasagot pa sana ako pero naghiwalay na kami dahil uupo na kami. Sunod na naglakad ay ang kaibigan kong si Lando kasama ang girlfriend niya. Malawak akong napangiti nang makita sila, ang cute-cute nila!

Matapos non ay sila Zacaria at Apollo na. Gusto kong matawa dahil pulang-pula si Zacaria habang si Apollo naman ay seryoso lang ang mukha habang naglalakad. Bagay sila!

Sunod ay sila Tres at Shakira. Bagay na bagay sila! Tiningnan pa ni Tres si Shakira bago sila maghiwalay, akala ko ay titingnan lang pero hinalikan ni Tres ang ulo ni Shakira bago tuluyang lumiko para sa upuan, kita ko ang pamumula ng pisngi ni Shakira dahil doon. Parehas na sila ni Zacaria!

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now