Unang gig may sabit agad.
Tangina, viral ako at si Art sa twitter dahil sa suot kuno namin. May picture na pinakita nung pauwi na kami na suot ko yung damit ko na sinuot ni Art. Tapos sa sunod na picture, ako ulit na suot naman ang formal suit ni Art. Ang sabi nila nagpalit kami kasi 'boyfriend' ko raw siya ampota.
May picture din na kumalat, 'my day' ata ni Uno na sila Art at Selena. Ang daming comment na "Mas bagay sila kesa kayla Mickey." As if naman na gusto ko ang lalake na 'yon! Edi sila na mas bagay, wala naman akong pake!
"Huwag mo na sila pansinin, pero totoo ba na merong kayo?"
Nag-cringe ako sa tanong ni Lando at nahampas siya sa braso. "Naniniwala ka sa mga 'yon? Duh, alam mo naman na ayoko mag-boyfriend saka hindi kami close."
"Alam ko, pero bakit ba kasi nagpalit-palit pa kayo ng damit?"
Inis akong kumagat sa tinapay na hawak ko. "Eh tanga tanga 'tong bff mo, formal attire pala dapat tapos ganon ang suot ko."
"Dapat pala nag-dress ka. First time mo pala sanang mag-dress kung nagsuot ka 'no?" Tumawa ito. "Tomboy na nag-dress." Dugtong niya pa kaya binatukan ko na siya.
"Tomboy ampota, hindi ba pwedeng… boyish lang? Hindi pa naman ako nagkakagusto sa babae so hindi pa ako tomboy."
"Hoy nagkagusto ka na, nung grade seven ka? Si–"
"Shh shh shh!" Pagpigil ko agad.
Ayoko na ulit maalala ang kajejehan ko noon. Oo nagkagusto ako sa isang babae na kinukulit ko sa chat at lagi kong binibigyan ng bulaklak saka… candy na chocolate ang flavor para kunwari chocolate. Ang cringe!
Nagpaalam na si Lando na aalis na dahil may klase pa siya. Sumunod naman ako agad dahil may klase rin ako. Itong mga kaklase ko grabe kung makatingin! Bahala kayo dyan, tingnan niyo lang ako hanggang gusto niyo.
Walang practice dahil wala namang gig kaya diretso uwi ako, naglaba ng uniform, nagsaing at nagpahinga. Pagkarating nila mama ay doon ako nagpaalam kung pwede ba ako lumabas para bumili ng sapatos pang-school.
"Yabang ha, may sahod ka? Magbigay ka naman pang-ulam." Sagot niya lang.
Syempre bilang anak ay nagbigay ako ng isang libo kaya hindi na niya ako pinagsalitaan at hinayaan na lumabas. Nagsuot lang ako pajama at simpleng yellow shirt at jacket pagkatapos ay lumabas na. Isasama ko sana si Melody kaso baka mawala siya dahil malaki ang mall at marami ang tao doon.
Sa mall ko gusto bumili kasi mas matibay. Mas magtatagal siya sa akin kapag matibay, kaya hanggang sa makatapos ako kesa naman sa madaling masira, baka dalawang buwan lang ang itagal non sa akin.
"Ate magkano 'to?" Tanong ko sa nagbabantay.
"300 'yan neng." Sagot nito habang nagna-nail cutter.
"280 te? Or 250 na lang, hindi naman na pasukan." Paghingi ko ng tawad.
"Ay nako neng, hindi akin 'tong tinda pagalitan pa ako ng amo ko."
Napasimangot ako. Kaya inaalikabok na yung plastic ng sapatos kasi ang sungit ng nagtitinda at hindi manlang makatawad. Umalis na ako doon at nagtingin uli sa iba namang shop.
Nakahanap ako ng 300 din pero maganda ang quality. Sinubukan kong tawaran kaso ayaw ni ate. Mabait naman siya kaya kinuha ko na.
"Nako ate ha, kapag ito nasira agad babalik ako dito tapos yung ibabalik mo sa akin na pera 350." Pagbibiro ko. Natawa ang tindera at pabiro rin akong kinurot.
Naglibot pa ako sa mall hanggang sa makarating ako sa 'skyway' na tinatawag nila sa part ng mall na 'to. May mga upuan para sa mga taong gusto magpahangin habang nakatingin sa city lights and sky. Palubog na ang araw kaya maganda dito tumambay.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...