PAC 12

11 3 0
                                    

"Akala ko ba maga-apartment ka doon sa tapat ng bahay namin?"

Nagmamadali akong kumain ng fishball dahil kailangan ko makahabol sa practice namin. Kaso kasi, may kailangan pa akong tapusin na essay kaya ito ako ngayon kasama si Lando sa garden at binilhan niya ako ng pagkain dahil nakita niya lang ako dito mag-isa kanina.

"Akala ko rin eh, mas okay na rin kayla tita, malapit na wala pang bayarin." Diretsong saad ko

"Sabagay..."

Pinagpatuloy ko ang paggawa ng essay na cellphone lang ang gamit. Ang hirap talaga na cellphone lang ang gamit sa college, sa susunod na makaipon ako ay bibili ako ng laptop dahil full storage na ako sa phone at kailangan na magbura.

"Tubig?" Ani Lando at inabutan ako ng water bottle niya.

"Hindi ako nauuhaw." Sagot ko na nakatingin parin sa cellphone.

"Lagi ka namang hindi nauuhaw. Tapos mamaya iinumin mo yang suka ng fishball, iw."

Marahan ko siyang siniko. "Shh, hindi ako maka-focus!"

Hinayaan niya ako doon na ma-stress habang siya ay nakatingin lang sa akin habang yakap ang bag niya. Maya-maya ay kusang tumingin ang mata ko sa kanya at nangunot ang noo ko dahil nakatingin rin siya sa akin.

"Alam kong maganda ako, huwag mo akong titigan." Biro ko.

"Gwapo ka diba? Gwapo mo parin kahit stress."

Nag-cringe ang mukha ko. "Pre... wala akong mapapautang, huwag kang mambola."

Bahagya lang siyang tumawa pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi niyang 'cute'. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa para matapos agad. Kung ano-ano na lang ang ginamit kong salita ma-reach lang ang 600 words.

"Ayan tapos na ako, ipapasa ko na lang kay Sir sa office. Hindi ka pa ba uuwi Lando?" Tanong ko bago magtali ng buhok dahil mainit.

"Uuwi na, gusto mo ba ihatid kita?"

"Tsk, huwag na. Umuwi ka na lang." Sagot ko ka agad, ayoko kasing istorbohin pa siya eh.

"Sabay na ako sayo sa gate."

Hindi ko na siya pinansin at nag-half run na sa office ni Sir. Nagtagal pa ako doon ng ilang minuto dahil may kausap pa siya kaya panay ang tingin ko sa cellphone ko at panay sabi kayla Tres na papunta na ako doon kahit nandito parin ako.

"Ako nang magpapasa, pumunta kana sa studio niyo, baka late kana." Ani Lando na nasa gilid ko pala.

Nag-alinlangan ako, "Sure ka? Wala ka bang gagawin?"

Kinuha niya ang folder na hawak ko. "Ako na dito, umalis kana baka magbago pa ang isip ko."

Pabiro ko siyang sinapak sa braso. "Salamat! May mabuti ka pa rin palang magagawa." Natatawang saad ko.

"Haha." Sarkastikong tawa nito. "Punitin ko 'tong gawa mo eh."

Natawa na lang ako at nagsimula nang maglakad paalis sa harap ng office ni Sir.

"Ingat!" Pahabol pa ni Lando at nag-thumbs up na lang ako sa kanya bago ipagpatuloy ang paglalakad.

Pawis na ako nang makalabas ng building. I was on my way out when I saw the familiar motorcycle on the side. Nakaupo doon ang isang lalakeng naka dress shirt at may necktie na suot. Magulo ang malambot na buhok nito at parang may hinahanap.

And then, in the middle of hundreds of students roaming in this area, Art's eyes met mine. Bigla niya na lang isinuot ang helmet niya at sumenyas na lumapit ako.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now