"Ito na po ang kape niyo."Inabot ko ang kape na itinimpla ni Uno para sa akin. Nagtimpla rin siya ng para sa kanya at handa na kami pumunta sa nakita niyang mga tables na pwedeng pagtambayan.
It was already 5am in the morning, nagising ako sa alarm ko at hindi ko sinasadyang magising din si Uno. Gusto ko kasi makita ang sunrise at mukhang ganoon din siya kaya dahan-dahan kaming bumaba para hindi magising si Art na nakabalot sa kumot.
Naka white sando ako sa loob pero nag-jacket ako dahil malamig. Nag-pajama din ako at tsinelas, si Uno naman ay hoodie na kinuha niya kay Art at pajama din.
"Good morning Manager!" Bati namin kay manager na nagduduyan sa veranda ng cottage.
"Good morning, saan kayo pupunta? Magpapa-deliver ako ng breakfast for all of us."
"Doon lang po sa taas, kita niyo kami doon." Itinuro ni Uno ang bandang taas sa unahan ng mga floating cottage, mula nga doon ay may tatlong tao ang nakaupo.
"Alright, take care. Huwag na lumayo, tatawagin ko kayo kapag nandiyan na ang almusal."
Masaya kaming pumunta sa sinasabi niya habang hawak ang kanya-kanyang tasa, buti at may kape sa cottage at water dispenser pra sa mainit na tubig.
May mga sanga ng puno ang nandito at mula doon may mga quotes na nakasabit. Pinicturan ko ang mga iyon dahil ang cu-cute! Ang dami kayang ganito ang naka sabit sa mga puno na madadaanan mo kahit saan.
"Nanliligaw ba si Art?"
Napalingon ako kay Uno na nasa tapat ko. Bahagya akong natawa bago maupo patagilid at ipatong ang paa ko sa upuan para mayakap. Wala kasing sandalan ang upuan kaya tumagilid ako.
"Hindi ha, umamin lang." Sagot ko bago humigop sa kape ko.
Ngumiti siya ng kakaiba. "If ever na tanungin ka niya, will you allow him?"
"Oo." Diretsang sagot ko.
"You know what." Umabante siya ng kaunti. "I didn't think you were going to mean so much to him, I mean… he never told me that he likes you or he has a crush on you. Kapag may gusto kasi siya sa akin niya sinasabi, kaya alam ko na nagustuhan niya si Selena."
"But somehow, I think you tore down his walls and he let you in. Nahalata ko na lang kapag nakikita ko siyang palihim na nakatingin sayo tapos ngingiti, kapag hinahanap ka niya lagi kapag may practice tayo 'cause you're late at gusto ka niyang sunduin."
Nag-init ang pisngi ko pero nangunot ang noo ko dahil pagkatapos niya magsalita ay tumawa siya. Uminom muna siya sa kape niya pagkatapos ay tiningnan ulit ako.
"You're blushing again." Napahawak ako sa pisngi ko. Bwisit, bakit ba halatang halata nila kapag nagbu-blush ako?!
"But anyways, do you remember what he shared post before and you and I commented on it?"
Inalala ko pa kung ano yon pero agad ko ring naalala dahil sinabi niya yung ni-reply sa kanya ni Art sa comment section.
"Yea! That! Naka-custom pala yon." He laughed. "Tayong dalawa lang ang makakakita that's why tayo lang ang nakapag-comment, masyadong halata kasi isang post niya lang ang dami na agad nagco-comment, except sa post niyang iyon. Hays Art, he's so stupid sa part na yon."
Parehas kaming natawa. Bwisit, kaya pala nagtaka rin ako non! Imposible kasi na kami lang ni Uno ang nag-comment in one minute, ang dami niya kayang followers!
"Speaking of stupid, look at him."
Napalingon ako agad sa tinitingnan niya. Naglalakad na ngayon palabas sa cottage si Art na nakapamulsa sa black shorts niya. Naka white shirt na siya ngayon at magulo ang buhok, nakatingin siya sa amin habang naglalakad at muntik pa siya matisod sa kahoy.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...