PAC 30

7 2 0
                                    

"Mama… let… clate…" 

Natawa ako sa pagsasalita ng anak ko. Today is his 2nd birthday! At ngayon ay nasa manila na kami, medyo malapit sa Red Drill pero malayo sa University, dito ay naka-renta kami pero hinuhulugan ko na para bilhin ang lupa.

"No pa… naka-ilang chocolates ka na kanina nak eh, saka sa mga bisita mo yan." 

Nakasuot ito ngayon ng superman costume pero suot niya ang headband na mickey mouse. Ang headband na isinuot ko lang noon sa audition ay favorite niya na ngayon. Maluwag pa sa kanya kaya nakasabit lang yon sa leeg niya at sinusuot lang niya kapag may nakikipag-picture.

"Mama man… ma, clate." Nagpa-cute pa siya! Mas nakita ko tuloy ang mukha ko!

"Lolo oh, clate daw!" Kunwaring pagsusumbong ko kay papa.

"Lo… clate." 

Natawa si papa bago kumuha ng chocolate. Napasimangot ako, pagdating kay papa spoiled na spoiled talaga 'tong anak ko! 

Pinabuhat ko muna kay papa si Artair dahil mag-aasikaso ako ng mga bisita. Ang inaasahan ko lang na bisita ay ang mga batang nakakalaro ni Madison nung nakauwi na kami pero bakit parang…

"Mickey!" 

Nanlaki ang mata ko dahil tama nga ang hinala ko. Si Lando 'yon! May kasama siyang babae na namumukhaan ko, ito yung babae noon na kasabay niya sa pag-uwi!

"Lando!" Tili ko bago lumapit at yumakap sa kanya nang mahigpit.

Halos isang buwan na kami dito pero ito ang una naming pagkikita dahil lumipat na sila ng bahay, doon malapit sa main shop ng kuya niya.

"Na-miss kita! Tangina, ganda ng buhok ha!" Nang bitawan niya ako ay pinuri niya ang buhok kong kulay pula. Hanggang siko na ang haba ng buhok ko kumpara dati na maikli lang.

Pinapasok ko sila sa loob at binuhat nila pareho si Artair para daw makipag-picture. Isinuot ni Artair ang headband pagkatapos ay ako na ang nag-picture sa kanila dala ang regalo ni Lando.

Nakipag-picture din ako kay Lando kasama si Artair bago ko i-upload sa IG. 

"Thank you ninong @ZamieLazaro for visiting my son!" 

Pagod ako habang inaakyat ang mga regalo ni Artair sa kwarto namin. Si Mari ay buhat buhat ang anak kong nakatulog na dahil sa pagod. Naglilinis na kami nila mama at si Madison at Melody ay nasa kwarto na nila ni Mari at tulog na rin.

"Ihiga mo na yan sa kwarto. Tapos matulog kana." Utos ko kay Mari.

Ngumiti ito sa akin, "Salamat, ate."

Tinulungan ko si mama magligpit ng mga baloons sa labas ng bahay. Nakapaghanda kami ng bongga dahil hindi kinuha ni Lando ang utang ko, halos sabunutan ko na siya pero ayaw niya talagang tanggapin dahil marami na raw siyang pera at hindi na kasya sa bangko niya, ang kapal talaga!

Pagkatapos ng pagliligpit ay umakyat na ako sa kwarto namin ni Artair. Tatlo ang kwarto ng bahay kaya meroon kaming sariling kwarto ni Artair. Sa baba naman ang kwarto nila mama habang kaming lahat nila Mari ay sa taas.

Nagpalit ako ng pantulog bago mahiga sa tabi ng anak ko. Kinuha ko ang cellphone ko para makita ang mga taong bumati sa posts ko sa fb, sinalamatan ko silang lahat bago lumipat sa IG.

"OMG YOU… YOU'RE A MOMMY NOW???!!!"

"Kaya pala tagal nawala ni idol, Congrats and happy birthday! Cute po ng baby mo."

"Oh my gosh, hindi ako naniwala na ikaw yung nasa video pero‐‐‐okay, naniniwala na ako. Happy birthday! Cutie ni baby, ano po name?"

Ngayon lang ako nag-upload ng picture ni baby Artair kaya may mga nagugulat talaga dahil sa paglabas niya. Natuwa ako dahil lahat naman ay postive comments. 

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now