Woohoo! Ang galing naman-Aray!
Sino 'yon?!
"Sorry ate." Paumanhin ng lalakeng may-ari ng bolang tumama sa paanan ko.
Ang lakas kasi ng impact kaya ang sakit! Nanonood lang naman ako ng basketball tapos may bumabato na ng bola. Kung butasin ko kaya yan gamit ngipin nila?!
"Pakiyakap para hindi makawala." Sarkastiko kong saad bago ibaling ulit ang tingin sa nagba-basketball. Bakit ba kasi dito pa ako pinaupo ni Lando? Sabi ko doon ako sa taas para makita ko ng maayos, nakakaduling kasi sa harapan.
Umalis na yung lalake dala ang bola niya kaya kinamot ko ang gilid ng alak-alakan ko. Doon kasi ako tinamaan at masakit kahit naka pants ako. Ang tigas-tigas kaya ng bola at mukhang sila ang next na maglalaro kaya ngayon ay nangti-trip muna sila.
Fourth quarter na at napatalon ang ibang nanonood dahil panalo ang pambato ng mga taga business ad. May mga nagtatatalon sa taas na sana isa ako kung doon lang ako pinaupo ni Lando. Wala daw kasi magbabantay ng gamit niya ampota, ako pa talaga pinagbantay ha?!
"Panalo pano bayan? Libre ko ha," bungad sa akin ni Lando nang makalapit siya.
"Sus, buhat na buhat naman ng ka-team mo eh." Inis kong saad bago ibigay ang jag niya.
Nag-stay pa kami doon for picture taking. Ako pa talaga ang pinagkuha ng mga babaeng gusto makipag-picture sa Landonisa na 'to. Zinoom ko sa mukha ni Lando para naman may remembrance sila sa mukha niya.
"Ate, ang zoom naman? Bakit mukha lang ni Zamiel ang kita? Pwede kasama ako?" Reklamo ng isang nagpa-picture.
Nag-cross arms naman ako sa harap niya. "Ay nako ate, pagod na ako. Malay ko ba diyan sa camera mong naka-zoom na agad. Ayoko na mag-picture, mag selfie kayong dalawa tutal mahaba naman kamay niyan ni Lando, pwedeng selfie stick."
Umupo ulit ako sa upuan ko at rinig ko pa ang pagsasabi nung babae na ang attitude ko raw. Kanina pa ako nagpi-picture 'te excuse me? Pinagbantay na nga ako ng gamit, naging photographer pa, pawis na pawis na ang kili-kili ko tapos kayo ang fresh niyo?! Not equal!
"Hoy ang sungit mo raw, blurred pa raw yung ibang picture. Ito naman, ang sama mo naman sa fans ko. Saka Zamiel nga ang itawag mo sa akin, ang pangit ng Lando. "
Lumapit ang Lando at kinuha na ang gamit niya. Inirapan ko lang siya bago tumayo, magsisimula na kasi ang isa pang mga maglalaro.
"Pake mo kung gusto ko 'Lando'? Saka alam mo namang nagkakape ako, nanginginig kamay ko kaya blurred, sana pala video 'no?" Natatawang saad ko.
"Gago zinoom mo pa sa mukha ko, ang haggard ko kaya."
"Anong mukha? Sa pwet ko zinoom ha?"
Kumunot ang noo nito. "Mukha ko 'yon!"
"Ay, mukha mo ba? Mukha kasing pwet eh."
Agad akong tumakbo palabas ng court habang tumatawa nang mabangga ang isang lalake na tumatakbo rin papasok naman sa court. Shit! Ang tigas naman ng braso nito! Natumba tuloy ako dahil parang nabangga ako sa pader!
"Aray ha!" Sigaw ko sa kanya pero siya ay nakatingin lang.
"Mickey, tanga mo naman!" Tinulungan ako ni Lando makatayo dahil yung lalake ay nakatingin lang talaga sa akin.
Bumaling ng tingin kay Lando yung lalakeng nabangga ko na pamilyar ang mukha. Teka, siya ba yung lalake kanina na may-ari ng bolang tumama sa paa ko?!
"Pakiyakap bro, para hindi makawala." Ngumiti ito bago nagpatuloy sa pagtakbo papasok sa court.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomansaDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...