Hindi naging madali ang mga sumunod na araw, masaya si mama nung susunduin na niya si papa mula sa kulungan. Si Mari naman ay ilang araw nang hindi pumapasok, nang tinanong ko naman kung binubully ba siya ay hindi naman daw, masama lang daw talaga ang pakiramdam niya.
"Ka-group natin yan? Tss, sana nag-individual na lang." Pagrereklamo ng ka-group ko sa isang subject.
Buti at may mabait doon kaya sila na lang ag kinausap ko tungkol sa part ko. Natagalan ako sa school dahil doon, nagmadali ako sa paguwi dahil papasok na ako sa shop nila Lando. Ako ang maglo-lock ng shop, wala si Lando at hindi ko alam kung nasaan pero nakita ko siya na may kasamang babae palabas ng school.
Pagkauwi ko ay wala kaming imikan ni papa. Wala si Madi, Melody at hindi ko alam kung hinanap niya ba ang mga kapatid ko dahil umiinom siya ng alak nung pagkauwi ko.
That was a tiring week. Bahay, school at shop lang ang gawain ko. Ni hindi nabawasan ang 76% ng battery ng cellphone ko mula last week dahil kung hindi nagce-cellphone, tulog naman ako.
Ngayong week ay wala akong pasok sa shop, pinagpaalam ko na yon kay kuya Luke dahil may practice kami para sa isang event sa mall, buti at pinayagan ako. Kaso… wala si Selena non. She really quitted.
"That was a big event, isa kayo sa cast. Siguro kukuha muna ako ng isang street performer. Is that alright?" Tanong ni Manager L na bumisita sa amin.
Tres raised his hand na parang gusto mag-recite. "Art can be a pianist too."
Wala sa sarili akong napangiti. Sakto dahil kapapasok lang ni Art na naguguluhan dahil nakatingin kami sa kanya.
"What?"
Manager L smiled. "You're the new pianist of Fourteen Tres."
Ngumisi si Art at napailing. "Puno ang schedule ko…" nawala ang ngiti sa mukha ko.
Gusto ko pa naman siya makasama mag-perform, although nagkasama na kami magperform nung lasing si Selena pero saglit lang kasi yon eh at bad mood pa ako!
"But for Fourteen Tres… sure. Where's my spot?"
Rinig ko ang saya sa sigaw nila Uno at sa tawa ni Tres. Napangiti ako, hindi dapat kami magsaya dahil nawala si Selena pero hindi ko mapigilan mapangiti, kasama ko siya magpe-perform!
Pero kapalit ng sayang naramdaman ko non ay ang pagkadismaya nung sumunod na araw. Sabay kami ni Art pumunta sa studio, bumungad sa amin sila Uno, Dos at Tres na kunot ang noo.
"Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ko bago ilapag ang bag ko sa tabi ng bag ni Art.
"Nakakainis!" Tumayo si Uno mula sa pagkakaupo at napasuntok sa hangin. "Dumaan si Manager L dito. He said, hindi tayo makakapag perform if kasama si Mickey sa banda."
Nahinto ako. Bakit naman? Dahil na naman ba sa video? That was three weeks ago, may iilan-ilan pang pinaguusapan ako at sigurado akong hindi na maaalis sa isip nila ang video na yon pero bakit ayaw nila ako mag-perform kasama ang banda?
"Then don't go, hindi na natin kailangan ang event na yon. Maghintay na lang tayo ng ibang gig na buo tayo tutugtog." Ani Art bago maupo sa lapag. Ganoon din ang ginawa ko.
"Sayang din. Mafe-featured tayo sa TV, baka may mag-sponsor sa posibleng concert natin." Pagsasalita naman ni Dos.
Napahinga ako ng malalim. "Okay naman kayo kung wala ako diba?"
"Oh come on, wala nang aalis. Kung ayaw nila ang isa sa atin, hindi pupunta ang Fourteen Tres. We're not Fourteen Tres without all of us." Saad ni Tres bago tumayo at mag-inat.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...