PAC 5

24 4 0
                                    

"May practice kayo?" Tanong ni Lando habang sinasamahan ako palabas ng University. 

"Oo, may gig daw kami sa sabado. Sama ka ha?" Anyaya ko.

Tumango ito. "Oo naman, sabay pa tayo." 

Ang hindi ko lang alam ay kung saan. Hindi pa pala nila nasasabi yung lugar 'no? Mamaya ay tatanong ko kung saan, uwian na at hindi ko alam kung ihahatid ako ni Art dahil wala naman siyang chat kaya baka mag-commute na lang ako.

"Pano yan? Ikaw lang mag-isa pupunta don?" Tanong ni Lando bago huminto sa waiting shed.

"Baka… uuwi ka na ba?" 

"Oo eh, wala kang damit na binaon?" Ani Lando bago kapain ang likod ko at ibigay sa akin ang bag kong siya ang nagbuhat. "Matuyuan ka ng pawis. Dapat nagdadala ka, tanga mo naman." 

Inirapan ko siya, concern na may pa-'tanga' pa sa huli. Hindi ba pwedeng concern siya na hindi ako sinasabihan na tanga o bobo? Sabagay, ako rin pala ganun sa kanya haehae.

"May dala ako pajama, walang damit." Sagot ko. 

Gumilid naman siya at may kinuha sa bag niya na damit ata pagkatapos ay inilagay 'yon sa loob ng bag ko. "Pajama ampota, hindi kayo mags-slumber party ron, Mickey." 

"Eh bakit ba, doon ako komportable eh." Natatawang saad ko. 

"Sa susunod magdala ka ng damit. Una na ako, pag masyadong ginabi ka na ng uwi, text mo lang ako." Sabi niya bago ako tapikin sa braso.

"Sige sige, salamat. Ingat." Paalam ko.

"Ingat ka rin, tanga-tanga ka pa naman." 

Pinakyuhan ko lang siya kaya tumatawa siyang naglakad palayo. Ako naman ay nag-abang ng jeep papunta sa studio. Medyo malamig ngayon ha? Siguro uulan mamaya dahil ang kulimlim. 

Nang makasakay ay tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang chats nila sa GC.

D.O.S
Nakita niyo si Mickey? Sasabay ko sana kaso hindi ko nakita sa building nila

Uno Orsales 
I didn't see her, but I saw Selena

D.O.S
@Mickey papunta ka na ba? Or do you want me to fetch you? 

Mickey Serrano 
Papunta na ako, nasa jeep na

D.O.S
Oh okay, sorry daw hindi available si Art eh. next time daw hatid ka niya

Nangunot ang noo ko. Hindi ko naman kailangan si Art, kaya ko naman mag-commute bakit nagso-sorry ang lalake na 'yon?!

Mickey Serrano 
sorry‐❎
mogu mogu-✅

Natawa ako sa sarili kong kalokohan. Binitawan ko na ang phone ko nang makita kong malapit na ako sa studio. Agad akong nag-para at bumaba, tama nga ako na uulan dahil umaambon na! Nagmadali ako papasok at buti ambon palang kaya hindi ako masyadong nabasa. 

Naglista ulit ako ng pangalan sa logbook ni kuya guard bago magbihis. Doon ko lang nakita yung T-shirt na binigay ni Lando. T-shirt ng mga taga-business ad to kapag wala silang dress shirt na maisuot, baka baon ni Lando kapag may emergency.

May apelyido niya pa sa kaliwang sleeve at 'Zamiel' naman sa kanan. Aba, second name niya talaga ang nilagay niya hindi Orlando ha! Ayaw niya talaga sa Orlando, pangmatanda raw. Ako lang ang nakakatawag sa kanya non eh, syempre astig ako.

Habang paakyat ay napatingin ulit ako sa cellphone na hawak ko. Nag-reply si Art sa chat ko kaya natawa ulit ako.

Artcent Estramon 
noted miss ma'am.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now