PAC 13

8 3 0
                                    

Nakahiga lang ako sa kwarto maghapon kahapon dahil uminit pa ako lalo. Nakakahiya kasi si tita pa ang nag-alaga sa akin, pinagluto niya pa ako ng soup na sobrang nag pagaan ng pakiramdam ko kaya ngayon ay kakaligo ko lang at papasok na.

Nagba-backread lang ako ngayon sa gc namin nila Tres hanggang sa nag-notif na nag-share si Arthur ng kung ano sa FB. 

Ako naman tong curious kaya tiningnan ko. Bahagya akong natawa habang naglalakad palabas ng village dahil sa shared post niya.

"One heart, one message for you." Bulong ko sa sarili ko. 

Tiningnan ko naman yung nag-react pero si Uno pa lang ang nagre-react. Nagtaka ako, ang dami-dami niyang fans tapos si Uno pa lang nagre-react?

"Urico Nick hi bro, always take care." Ayan lang ang message niya. nag-comment naman don syempre si Uno.

Artcent Estramon 
Urico Nick hi bro, always take care.

Urico Nick Orsales 
sana tinext mo na lang bro, sobrang nakaka-touch kasi

Natawa ako nang malakas. Oo nga naman, nag-hi lang siya tapos take care?! Ano yon?! Wala man lang mas may sense doon, sana hindi na siya nag-share 'no?

Paano kaya kung sa akin? Hehe, tinry ko mag-heart react para makita kung ano yung imemessage niya sa akin, baka katulad lang din ng kay Uno pero gusto ko pa rin makita! Minsan lang naman siya mag-shared post kaya sulitin na.

Nakasakay na ako sa jeep at nakarating sa University ay wala pa ring mention si Art hanggang sa makarating ako sa first class ko. Agad kong kinuha ang phone ko nang mag-vibrate ito at doon ko na nakita ang comment ni Art.

Artcent Estramon 
Mickey Serrano sorry late nag-drive lang, anyways I saw you wearing a uniform, you okay? That's good, don't sleep on a cold floor again and always drink mogu-mogu xoxo, take care eminem.

Napangiti ako at wala sa sariling nag-react ng haha. Ang haba ng akin pagkatapos kay Uno parang tinamad pa siya ha? Gaya ng inaasahan ko, nag-reply don si Uno.

Artcent Estramon 
Mickey Serrano sorry late nag-drive lang, anyways I saw you wearing a uniform, you okay? That's good, don't sleep on a cold floor again and always drink mogu-mogu xoxo, take care eminem.

Urico Nick Orsales 
Hi, I'm sorry to say this but your post is annoying. I felt really annoyed, so I will report your account because that should be me, holding your hands,that should be me, makin' you laugh, that should be me, this is so sad. That should be me, that should be me.

Pinigilan ko ang pagtawa ko lalo na nung ni-like lang ni Art ang reply ni Uno. Bibitawan ko na sana ang phone ko pero nag-chat si Art bigla, kinabahan naman ako, bakit nag-chat ang isang 'to?

Artcent Estramon 
why did you react haha to my comment about you? You're hurting my feelings.

Nag-react ulit ako ng haha sa chat niyang iyon dahil natatawa talaga ako. Ni-message niya ako para doon?

Mickey Serrano 
Ay sorry sir, ito na po iha-heart na

Gaya ng gusto niya, ni-heart ko ang comment niya about sa akin. Hindi ko alam pero para akong tanga na nagpipigil ng ngiti habang nagtuturo ang prof namin sa unahan. Hindi ako makapag-focus sa lesson dahil doon.

Nang magkaroon ako ng one hour vacant ay tumambay na muna ako sa garden at sinilip ulit ang post ni Art kung may nag-comment pa na iba pero binura niya na ata dahil hindi ko na yon nakita sa wall niya. Ano bayan! Hindi ko pa na-screenshot ang message niya sa akin, nainis ba siya dahil tinawanan ko?

Napasimangot ako at inilabas na lang ang earphone para makapakinig ng kanta habang gumagawa ng assignment. Hindi naman ako natatambakan pero sa isang araw na absent kong 'yon ang daming nangyari kaya kailangan mag-habol.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now