"You want to wear this one ma'am? Mukhang bagay po sa suot ninyo." Pagtatanong ng isang babaeng nakatoka sa makeup ko.
Pinapasuot niya sa akin ang isang headband na black, mukhang bagay nga naman sa akin kaya tumango ako. Pagkasuot niya sa akin ay saktong may pumasok sa dressing room namin ni Uno.
"Hurry up guys, 5 minutes na lang on air na!" Pagkasarado niya ng pinto ay siyang pag-aayos sa akin ng babae sa buong katawan ko.
Nagkatinginan kami ni Uno at parehas kaming parang natatae sa kaba. Ilang beses naman na siya nakakapag-perform sa ganito pero sabi niya sa akin ay kinakabahan parin siya kagaya ko.
"Baka madulas ako doon, madulas ang sapatos ko." Nag aalalang aniya habang palabas kami ng dressing room
"Kapit ka kay Dos, edi pareho kayong natumba 'diba? May kasama ka."
Tumawa kami ng mahina kaya sinuway kami ni Manager L na nasa gilid ng backstage. Mamaya ay pupunta siya sa upuan ng mga audience para panoorin kami, ngayon ay nandito siya para paalalahanan kami.
"Pagkapasok po ng mga sasayaw, pasok po agad tayo ha?" Saad ng isang staff.
Si Tres ang unang papasok sunod ay si Uno at Dos na sasayaw pa ng kaunti tapos ay kami ni Art na diretso na sa spot namin. Gusto ko matawa dahil kinakabahan talaga si Uno sa suot niyang sapatos.
Napa-sign of the cross ako nang marinig ang kanta. Agad na lumabas ang mga sasayaw sumunod si Tres, Uno at Dos. Nang kami na ni Art ay hinawakan niya ang kamay ko, lumingon ako sa kanya at napangiti, ganoon din siya sa akin.
Pagkalabas ay naghiyawan ang mga audience, kumaway kami pareho ni Art bago ako maupo sa pwesto ko. May part na ako ang bubungad sa camera para gawin ang signature move ko sa drumstick at doon magsisimula ang pagkanta ni Tres sa unang hampas ko.
Everything seems perfect. Ang maingay na audience at ang mga cameraman na lumilibot sa banda namin ang nagpangiti sa akin, ito ang unang beses ko lumabas sa TV! Natupad na ang isa sa mga pangarap ko.
Matapos ang pagkanta ni Tres ay agad kaming bumalik sa backstage dahil may mga sasayaw pang mga artista. Kami ay guest lang kaya naghintay kami matapos ang iba.
"Galing gumiling ni Dos! Tuhod yung gumagalaw!" Pang-aasar ni Uno kay Dos.
"Kesa sayo, hindi makahakbang kasi takot madulas." Natawa ako lalo doon.
Si Tres naman ay pinipigilan gumalaw dahil magugulo daw ang buhok niyang matigas. Sa kanya kasi ibibigay ng host ang mic para sumagot at mag-promote kaya natatakot pumanget, eh ang gwapo gwapo niya kahit hindi nakaayos.
Naka black fitted longsleeve ako at ripped high waisted jeans. Si Tres ay naka white leather jacket at black t-shirt sa loob, pinartneran ng black cargo pants. Si Art ay naka black and white stripe shirt at jumpsuit. Si Dos at Uno ay parehas naka jacket at pants.
Nang lumabas ang huling artista ay nag-ready na kami dahil lalabas na rin kami.
"You should wearing a mickey mouse headband, not that." Bulong ni Art.
Bahagya akong natawa. "Ano ba ako? 9 years old?"
He smiled. "You look like a baby."
Narinig ko na ang pagtawag sa amin ng host kaya kumapit ako kay Art dahil lalabas na kami.
"My baby."
Hindi yon nakatakas sa pandinig ko kaya natural akong nakangiti habang palabas kami. Nasa amin ang atensyon lalo na nung ibigay ng host kay Tres ang mic.
"Yes yes, we're glad we're here." Pakikipag-usap ni Tres sa host na funny.
"Pakilala mo naman sila!" Lumapit ito kay Tres. "Tapos ibigay mo sa akin ang number nung naka-stripe." bulong nito na rinig dahil sa mic.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...