PAC 10

12 3 0
                                    

TW: Child Molestation

Maagang nagising si Art at pumasok. Sumabay ako sa kanya paalis ng condo at umuwi sa bahay. Natatakot pa akong lumapit sa bahay pero nang makita ko si Madison ay nakampante ako.

"Madi." Mahinang tawag ko sa kanya na nakaupo sa labas at binabantayan ata ang gamit ko. 

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo pero hindi niya ako nginitian. 

"Ate… kuhain mo na raw ang gamit mo." Malungkot na saad nito.

Napalunok ako. Sigurado akong anong oras man ay lalabas si papa o dadating kaya kinuha ko ang isang malaking bag na pinaglagyan ng damit ko at maraming plastic bags na ang laman ay puro gamit ko. 

"Ate saan ka pupunta? Ate sama ako…" Bulong ni Madison sa gilid ko.

Huminga ako ng malalim. "B-bawal ka doon eh. Pero… bibisitahin naman kita, kayo. Magkita tayo diyan sa kanto minsan." 

Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga ate? Kailan?" 

I smiled. Ang inosente talaga ng kapatid kong 'to. "Kahit kailan." 

Iniwanan ko siya ng dalawang libo at sabi ko ibigay niya 'yon kay mama bago pumunta kayla Lando. Alam kong pumasok 'yon kaya si Tita Kaila ang nagbukas ng gate para sa akin.

"Oh ineng ang dami mo namang gamit? Naglayas kaba?" Tanong niya bago ako tulungan.

"Hindi po tita! Lilipat lang po ako diyan sa apartment sa tapat. Alam mo naman po… bente na ako kaya… b-bagong buhay." Natatawang saad ko.

"Hay buti kapa, itong Lando ko wala pang girlfriend. Gusto ko na magka-apo't tumatanda na ako." Sagot niya naman kaya natawa ako.

"Nako po, lagi po yong hindi pinipili!"

"Piliin mo nga." Hirit niya kaya mas natawa ako. "Kain ka muna, tapos puntahan natin yung may-ari ng apartment." 

Iniwan ko ang mga gamit ko sa sala at sumunod sa kanya sa kusina. Sinandukan niya pa ako na para niyang anak. Napangiti ako, sa ibang tao ko pa talaga mararamdaman yung pag-aalaga ng isang nanay kesa sa pamilya ko. Pero at least inalagaan rin naman nila ako nung bata, nung kailangan pa dahil bata lang naman ako.

Habang kumakain kami ay biglang nag-ring ang phone ko. Nag-excuse ako kay tita bago kuhain ang phone sa sala. Nabigla ako nang makitang si Tita ko kay mama ang tumatawag. Ang tita ko na minsang nagbibigay ng sapatos, damit at pera sa akin at sa mga kapatid ko.

"Hello po 'ta?"

"Anong puta?" 

"Ay… I mean po, hello po tita." Natatawang saad ko.

"Ah… akala ko minumura mo ako eh. Oy, nabalitaan ko pinalayas ka raw ni Sony? Saan ka tumutuloy?" 

"Maga-apartment po ako tita dito po sa kabilang barangay." Napakagat ako sa labi, alam kong hindi ako papayagan ni tita.

"Hay nako gastos lang yan. Dito ka na lang sa amin bilis, ipapasundo kita mas malapit school mo dito."

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Huwag na po tita, nakakahiya sa inyo." 

"Anong nakakahiya?! Mas may pakinabang ka kesa dito sa mga pinsan mo—ma grabe ka naman—ano?! Totoo naman!" Narinig ko ang boses ni Sarah sa background kaya natawa ako.

"Masipag naman po sila lalo na yang si Sarah."

"Eh, gusto ko dito ka. Ngayon, ipapasundo kita send address na lang. Bye!" And then she hung up. 

Napabuntong hininga ako, makulit talaga 'yong tita kong 'yon. Kapag nasa mall kami, bibilhan niya ako tapos ipapasukat kahit ayaw ko. Pipicturan niya ako sa mga views na ang lakas ng boses sa pagtawag at pagsasabi ng dapat ko i-pose at kapag nandoon ako sa kanila halos ayaw na niya akong pauwiin. 

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now