Mahigpit ang hawak ko sa bag ko nang makababa ng jeep. Naka-earphone ako para hindi sila marinig pero hindi ako nakatakas sa mga tingin nila.
Nang mag-lakad ako papasok sa University may biglang bumangga sa akin mula sa likod. Hindi lang isa kundi apat. Matutumba na sana ako buti at na-balance ko ang sarili ko. Tangina, ang luwag luwag ng daan!
Hindi ko na sila pinatulan at dumiretso na sa room ko. Tulad ng inaasahan ko ay lahat ng mata ay sa akin ang tingin. Hindi ko na lang pinansin yon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin.
Buong klase ko ay nag-focus na lang ako sa tinuturo ng mga prof. Kaso sa tuwing gusto ko mag-recite ay hindi ako tinatawag kahit na dumapo na sa akin ang mga tingin nila. Mapait akong natawa, pati sa mga prof nakarating yung video? Tanginang Justine 'yon.
Nang matapos ang last na klase ko ay nag-ayos na ako ng gamit at nag-suot ng earphone, naglalakad na ako palabas nang biglang may naggupit ng suot kong earphone.
"Tangina," mura ko at napatingin sa gumupit.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagpamewang. "Pakinggan mo naman kami, bakit naka-earphone ka lagi? Tanggapin mo ang sinasabi ng mga tao sa paligid mo, ano bang ine-expect mo? Hindi ka namin iba-bash dahil part ka ng Fourteen Tres? Tss, matatanggal ka na don! Hindi ka bagay sa kanila!"
Tiningnan ko lang sila at hindi na sumagot gaya ng ginagawa ko lagi para hindi na humaba ang usapan. Hinagis ko sa kanila ang earphone na pinutol niya at umalis na doon.
Mabilis ang lakad ko palabas ng building dahil ngayon, rinig ko na ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Tinatawag pa ako ng iba pero hindi ko sila nilingon, sa lapag lang ako nakatingin hanggang sa may humarang sa daraanan ko.
Hindi lang siya isa, kundi lima. Lima sila kaya napaatras ako bago inangat ang tingin.
Mga nakangiti sila at lahat ay lalake. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko bago huminga ng malalim. "Please, ayoko ng gulo. Padaanin niyo na lang ako."
"Ano ka chicks? Ay oo nga pala, chicks ka! Ang galing mo sa video ha? May experience ka na pala? Ang inosente kasi ng mukha mo eh."
Tumawa sila. Naglakad na ulit ako pero hinawakan ako ng isa sa kanila. Tangina!
"Ano ba!" Inis kong sigaw at pilit binabawi ang braso ko. Pinagtitinginan na kami at ayoko makaagaw ng atensyon.
"Ang arte mo naman, akala mo naman ang linis-linis. Come on, magkano ba kada round? Lima kami oh, malaki kikitain mo sa amin."
Nangunot ang noo ko. Ang sarap niyang suntukin sa nguso! Kung hindi lang ako hawak ng isa niyang kasama paniguradong nakasuntok na ako ngayon!
"Tangina mo ba? Bakit ko kayo papatulan eh mukha kayong asong ulol!" Sigaw ko sa mukha niya. Ayoko naman sana pumatol pero nainis ako sa sinabi niyang 'yon.
"Tangina pala nito." Bigla niya akong sinabunutan at kinaladkad. Nabitawan nga ako ng isang lalaki pero hindi naman ako makapalag dahil hila-hila niya pataas ang buhok ko.
Hindi pa kami nakakalayo nang biglang may sumigaw sa likod namin. Bumilis ang paghinga ko dahil alam ko kung kanino ang boses na yon.
Nang inikot niya ako ay nakita ko sila… si Tres, Uno, Dos, Art at Lando. Ang mga naka business suit at pagtakbong lumalapit sa amin. Agad akong binitawan ng lalaki at tumakbo na rin paalis, tangina mga duwag naman pala!
Nang makalapit sa akin sila Tres ay agad chineck ni Lando ang katawan ko at inayos ang buhok kong nagulo.
"Tangina, sabi ko hintayin mo ko sa building niyo. Namukhaan mo ba yung mga yon? Humanda yon sa akin." Ani Lando habang inaayos ang buhok ko.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...