"Nakapag-usap na kayo ni Art? May picture na pinost si Tres ha, nandoon kayo ni Art."
Hindi ko pinansin ang tanong ni Lando habang kumakain kami sa lugawan. Dumayo pa kami dito sa may Red Drill para lang sa lugaw at kay manang na nagtitinda. Na-miss niya daw kami at inaabangan noon kung kailan ang sunod naming kain, hindi niya raw ine-expect ang pagdating namin ngayon.
"Late ako makikipag-kita sa girlfriend ko para sayo tapos hindi mo 'ko kakausapin? Kung buhusan kaya kita ng mainit-init na lugaw?"
Na-angat ang tingin ko kay Lando at inirapan ito. "Tss, ano naman kung nakapag-usap na kami?"
Nagkibit balikat siya, "Baka lang… sinabi mo na sa kanya yung totoo. Ako kinukulit non eh, sabi ko ikaw ang kausapin, hindi ako."
Nangunot ang noo ko at natigil sa paghahalo ng lugaw. "Kinukulit? Kailan? Bakit naman?"
"Malamang kung alam ko raw ba kung saan ka nagpunta. Sabi ko lang sa probinsya. Ang dami-daming probinsya dito ha! Huwag mo 'kong pagalitan."
"Tungkol doon lang? Wala na bang… iba?" Nagbabaka-sakaling tanong ko.
Napatitig siya sa lugaw na parang nag-iisip. "Uh… oo eh…"
Bumagsak ang tingin ko sa lugaw at nagsimula nang kumain. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang sinabi niya sa akin habang nasa ulan kami. Gusto ko siyang kausapin kaso saan ko naman siya hahanapin? Sa studio niya? Ayaw niya ng istorbo…
"Oo nga pala, bago kami makalipat ng bahay narinig ko na nakulong raw si Joseph."
Gulat akong napatingin kay Lando, "Huh? Kailan? Nakalaya na ba?"
"Paano makakalaya eh 15 years of imprisonment ang sentence sa kanya." Natatawang aniya. "Gago kasi eh, tumistigo yung tita niya sa mga batang dinadala niya sa bahay nila."
Nabitawan ko ang kutsara ko. "A-anong kaso?"
"Child molestation, child sexual abuse charges." Bumaba ang boses niya, "Nakabuntis ng… trese anyos na bata."
Putangina. Bumilis ang paghinga ko at napasabunot sa buhok… hindi lang kami… hindi lang kami ni Madi ang naging biktima niya. Ilan pa? Ilan kami? Bakit ako nanahimik? Bakit hindi ko siya nireklamo noon pa lang?
"Mickey… ayos ka lang ba? S-sorry…"
Napatakip ako sa mukha ko dahil ayokong makita niyang lumuluha ako. Ang tanga ko… hindi ako nagsumbong, hindi ako nagsalita… nakakakonsensya…
"Demonyo siya… demonyo siya! Dapat lang yon sa kanya!"
Lumapit na sa akin si Lando at hinimas ang likod ko. "B-biktima…biktima ka rin ba niya?"
Tumango ako. Ang tagal kong nanahimik. Hindi ko sinabi sa iba yon dahil haplos lang naman ang nagawa niya pero… pero may mas bata pa pala siyang biktima. Kung tutuusin mas malakas ako sa trese anyos pero… pero pinili kong manahimik.
"Putangina talaga… dapat habambuhay siya sa kulungan." Ani Lando bago tanggalin ang kamay sa mukha ko.
"Huwag ka mag-alala, makalaya man siya, hindi siya makakatakas sa Diyos, sa lahat ng biktima niya, sa bawat iyak ng nahawakan niya… sa trauma na ibinigay niya sa mga batang 'yon pati sayo. Makalabas man siya ng kulungan, hinding hindi niya mararamdaman ang kalayaan. Huwag kana umiyak… malayo ka na kay Joseph."
Niyakap niya ako at doon ay pinilit kong kumalma. Nagsalita dapat ako… hindi dapat ako naduwag. Kung sana ay hindi ko tinakbuhan yon, sana ay wala na siyang iba pang nabiktima.
"S-sino ang umasikaso… ng kaso?" Bulong na tanong ko nang makakalas kami sa yakap. Nakaupo na siya sa gilid ko at hindi na namin nakain ang lugaw.
Kumamot siya ng batok na parang ayaw pang sabihin kung sino. "Si ano… si Arthur… pumunta siya non sa bahay niyo eh. Nalaman niya kung kanino binenta si Madison… namukhaan niya daw si Joseph kaya… ayon, nung nagsuntukan yung dalawa at nagkagulo sa kanila, ang daming lumabas na biktima."

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...