Masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa sampal ni mama. Masakit naman ang likod ko dahil sa sipa ni papa nang magreklamo ako tungkol sa pera. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa mga iniisip ko.
Una dahil kay Madison, pumunta nanaman raw siya kayla kuya Erwin at nakipaglaro sa anak niyang si Joseph. Sunod ay ang pera ko na naubos dahil pinangbili ng ulam at pinang-bisyo ni papa. Ang huli ay dahil sa sampal ni mama dahil sa suot kong short pag-uwi ko. Hindi pala ako nakapag-palit at naisip nila na may boyfriend ako kaya late akong umuuwi.
Buti at hindi ako na-distract sa quizzes at nasagot ko naman nang maayos. Hindi pinadala ni mama ang phone ko sakin para raw hindi ko ma-contact ang 'boyfriend' ko, grabe talaga ang reaksyon niya kahapon, ang dami niyang sinabi na inabot pa sa pagbubuntis ko.
Nandito ako ngayon sa garden at nagmumuni-muni. Siguro kung hindi lang ako scholar sa University na 'to hindi ako makakapag-college. Salamat na rin sa pera nilang binibigay kada buwan na malaking tulong na sa akin.
"Nandito ka na naman? Pwede ba akong makiupo, miss ma'am?"
Naangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Art pala. Binigyan ko lang siya ng space sa tabi dahil yung upuan sa kabila ay butas-butas na kaya hindi nauupuan. So bale, ang good for four people na table ay good for two people nalang.
Nagtititingin lang ako sa mga dumadaan sa labas ng garden habang hinihimas ang mga bracelet na suot ko. Siguro kung may isang maliit na bagay kayong maibibigay sa akin na masaya na ako ay yung bracelet at earrings. Ngayon ay may 10 bracelet ako na suot, lima kada kamay.
Habang ang piercing ko ay lima kaya ayos na ako sa hikaw at bracelet na regalo. That things can make my day and year happy. Maaalala ko pa sila kapag nakikita ko sa kamay ko ang bigay nila, kaso yung anim na bracelet na suot ko ay galing kay Lando. Si Lando palang naman ang nagreregalo sa akin, si Madison naman binilhan ako para pahiramin ko raw siya ng cellphone.
Never na ako nag-celebrate ng birthday pagkapanganak ni Melody, masyado na rin daw kasi akong matanda kaya tuwing birthday ko ay kumakain lang kami ni Lando sa lugawan. Okay na ako don, libre niya pa yon ha.
Hindi naman ako nainggit kayla Marigold, Madison at Melody kapag inuutangan sila ng cake at pang-handa. Kaso sana manlang kahit cupcake lang na tigsye-syete ayos na ako, kaso wala. Ni bati wala.
"Are you crying?"
Nahinto ako sa pag-iisip at napalingon sa katabi ko. Doon ko lang na-realize na ang labo na pala ng paningin ko dahil sa luha pero hindi pa naman sila bumabagsak.
"Huh? Kita mong… n-nagcha-challenge ako ng… walang pikitan in 5 minutes!" Palusot ko bago punasan ang mata ko.
Marahan lang siyang tumawa pagkatapos ay isinarado ang laptop niya.
"What's the matter Eminem? Pinagalitan ka ba kagabi dahil late ka umuwi?" Tanong nito at nag-cross arms pa sa harap ko.
Napalunok naman ako. Bakit ba siya nagtatanong? Akala ko walang pakealamanan dito? Hindi ko nga siya kinakausap dahil may ginagawa siya eh!
"Wala. Hindi." Sagot ko.
"May bad things bang nangyari?"
"Wala." Sagot ko uli at umayos nang upo. "Nawala lang yung ipon ko."
Umayos rin siya nang upo. "How much?"
"Hindi ko alam eh. Siguro… almost 30k? Hindi ko binilang, kasi diba kapag hindi binibilang dumadami?" Sagot ko.
"Dang, ang laki pala." Komento niya kaya bahagya akong natawa, ang seryoso niya kasi. "Saan mo ba nilagay?"
"Sa damitan ko." Simpleng saad ko.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...