PAC 28

10 2 0
                                    

"Okay na ba yon?"

Tumingin si Tres sa akin pagkalabas ko ng recording studio. Ngumiti siya at tumango.

"Bakit mo gustong mauna mag-record?"

Naipasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon na suot ko bago sumagot. "Ito ang unang kanta ng banda na kasama ako at baka ito na rin ang huli. Bibitawan ko na kasi ang drumstick." Natatawang saad ko.

Hindi nawala ang ngiti sa labi niya bago tumayo. Nagulat ako nang yakapin ako nito, kahit gulat ay nagawa ko siyang yakapin pabalik. Napangiti ako, ang crush ko noon nayakap ko na!

"I'll be forever thankful for having you in my team. Kapag naging okay ang lahat sa daan mo, don't hesitate to comeback, our drummer."

Kinuha ko ang number niya dahil pakiramdam ko iyon na ang huli naming paguusap. Masaya akong naging parte ng Fourteen Tres pero ngayon, kailangan ko muna unhahin si Mari at ang mga kapatid ko.

Pagkatapos namin magusap nung gabing yon ni Art, kinabukasan non ay umalis na ako sa condo niya at umuwi na sa bahay. Mahirap dahil hindi kami nagusap nung makaalis ako, ewan ko kung nasaan siya non dahil inabot na ako ng alasdiyes ng gabi sa paghihintay pero wala parin siya kaya nag-iwan na lang ako ng note sa kitchen bago umalis.

"Ate!"

Napalingon ako sa pintuan habang nag iimpake kami ni Mari sa sala. Doon ay nakita ko si Madison! Agad akong tumayo at sinalubong siya ng yakap.

"Madison!" Hindi ko napigilan ang pagtili ko habang iniikot siya.

Na-miss ko siya! Tumaba pa siya ng kaunti kumpara sa katawan niya noon! Na-miss ko talaga siya!

Napalingon ako sa kasama niyang dumating. Si Mama kasama si Lando! Habang buhat ko si Madison sa kanan kong kamay ay niyakap ko si Lando dahil sa tuwa.

"Salamat Zamiel, maraming maraming salamat talaga."

"Luh, naisoli ko lang kapatid mo Zamiel na tawag sa akin ha? Tapos kapag tumagal, Lando ulit?" Reklamo pa nito pero hindi naman siya bumitaw sa yakap at kiniliti pa si Madison.

Pagkabitaw ko sa yakap ay binaba ko muna si Madison para kausapin si Mari sa loob. Hinarap ko si Lando at hinila sa gilid para makausap.

"Kumusta si Madi nung nakita mo? M-may iba ba sa kanya? Parang takot? Nakangiti ba siya?" Sunod-sunod kong tanong.

"Masaya siya! Nakikipaglaro siya doon sa babaeng anak nung tita ni Joseph. Tumaba nga eh 'diba? Bakit?"

Umiling ako. Mabuti kung ganoon, akala ko ay may nangyari nang masama sa kanya, buti at nandoon siya sa tita ni Joseph.

"Salamat ha? Pagbalik ko isasaoli ko yung kalahati, hindi ko mababayaran ng buo kasi pamasahe pa namin saka panggastos."

Ngumiti siya tapos ay ginulo ang buhok ko. "Kahit huwag mo na ibalik, barya lang yon sa akin."

Hinampas ko siya dahilan para tumawa ito. "Dejok, kailan kaya kayo makakabalik? Mami-miss ko yang bilugan mong mata!"

"Hindi ko pa sure. Ikaw ninong ng anak ni Mari ha?" Bulong ko rito.

Sa lahat ng naging kaibigan ko, sa kanya ko lang sinabi ang totoo. Hindi naman niya kami hinusgahan at naintindihan niya ang nagawa kong pagsisinungaling. Ngayon ay pinangako niya na hindi niya yon ipagsasabi sa iba para na rin kay Mari.

"Peperahan mo lang ako eh, tss."

Malakas akong natawa bago siya kurutin sa tagiliran. Bwisit talaga siya kausap! Tumulong siya sa pagiimpake kahit ayaw ko, kakwentuhan niya pa si mama at pinilit kausapin si papa pero halatang iniiwasan siya ni papa dahil pumasok ito sa loob ng kwarto.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now