PAC 33

6 1 0
                                    

Buhat-buhat pa rin ni Xavier si Artair na tahimik lang at nakatingin sa akin. Nginitian ko siya kaya ngumiti din siya sa akin. 

"Kiss." Saad nito kaya natawa ako bago siya bigyan ng halik sa pisngi.

Nasa sala kami at hinihintay si Manager L na kausap ang delivery boy na nag-deliver ng meryenda namin. Si Tres naman ay nasa tabi ni Art na nakatingin lang sa amin. Hindi naman ako nahiya dahil kasama ko si Artair, may pagkakaabalahan ako.

"Kiss." Ulit ni Artair pero nang hahalikan ko na siya ay umiling ito bago ituro ang pisngi ni Xavier. "Daddy…"

Nanlaki ang mata ko pati na rin ni Xavier. Hindi ko malaman ang gagawin… natawa lang si Xavier doon kaya tumawa na lang rin ako bago balingan ng tingin ang kararating lang na si manager L.

"Here, kain muna kayo." Lumingon sa akin si manager. "I really missed you! Hindi ko alam na… buntis ka pala noon. How old your son is?" 

"Two years old po." Sagot ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkilos nila Tres at Art na kumuha ng pie. 

"May regalo kami! Tres, pakilabas nga. Bilis!" 

Kakagat na sana si Tres pero naudlot kaya binitawan niya ulit ang pie bago tumayo.

"I'll help." Ani Xavier kaya napalingon ako sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Tres. "Sure… sunod ka na lang." 

Binigay ni Xavier si Artair sa akin bago sumunod kay Tres. Medyo nailang tuloy ako dahil katapat namin si Arthur na kumakain pero nasa amin ang tingin.

"How old is he?" Pagtatanong ni manager na parang sinagot ko na kanina.

"Two po…" 

"No. I mean, Xavier."

Bahagya akong natawa. "25 po."

Bahagyang nanlaki ang mata niya at lumingon kay Art. "Kasing edad mo, Art." 

"I know." Sagot lang ng binata bago kumuha ulit ng pie.

Natawa si manager L bago ako balingan ng tingin. "May lahi ba siya? Mukhang… half half."

Nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam bago napatingin sa kabababa lang na Xavier na may dalang anim na paper bag, tig-tatlo ang buhat niya kada kamay. Si Tres naman ay may buhat-buhat na box na hindi ko alam ang laman. 

Inilapag nila sa malapit ang mga yon bago maupo si Xavier sa tabi ko at kuhain si Artair.

"Magkasama ba kayo sa iisang bahay, Mickey?" Manager L suddenly asks. 

Hindi ako ang sumagot kundi si Xavier. "No sir. But I'm courting her family." Pagsagot ni Xavier.

"Tss." 

Biglang umubo si Tres na parang sinadya niya lang dahil sa malakas na pag-'tss' ni Art. Napalingon tuloy ako sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Anong problema nito?!

"How sweet." Ani manager L. "May lahi ka ba?"

Ngumiti si Xavier. "Yes po… my mother is Canadian." 

"Matangkad siguro si Kairo paglaki, like you! Ano palang trabaho mo?" Hindi ko inaasahan na itatanong yon ni manager L. Hindi naman siya ganyan ka-chismoso dati!

"Oh…" Kinuha ni Xavier ang wallet pero dahil isa lang ang nagagamit niyang kamay ay ako na ang kumuha ng kukunin niya.

"My business card," bulong niya kaya hinanap ko ang sinasabi niya bago ibigay kay manager L. 

Tiningnan yon ni manager. "This is your company?"

"Yes. I am the CEO."

"Tss."

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now