*whistle*
Kunot noo akong napalingon sa likod ko. May mga kabataan na nakatingin sa amin ni Selena at kanina pa kami kina-catcall. Tangina, sarap niyo sipain!
Nasa ceremony na kami pero hindi pa nags-start. Sa may bandang likod ang pwesto namin at hiwalay kami ni Selena sa mga lalake. Naka-white tuxedo sila Tres pero iba ang kulay ng mga T-shirt nila sa loob.
Kay Tres blue, pink kay Uno, yellow kay Dos at red kay Art. Si Manager L ay naka white shirt lang at pants. Si Selena naman ay naka white bodycon silk dress na talaga namang hinubog ang katawan niya, may kaunti ring kitang dibdib kaya agaw pansin talaga.
Ako naman naka one shoulder white dress na may slit mula sa hita. Ito ang pinasuot sa akin ni Tita nung nalaman niyang aattend ako ng kasal, ito rin ang sinuot niya nung umattend siya ng kasal ng kaibigan niya kaya hindi na ako bumili pa ng dress para dito.
Ang buhok kong past shoulder length ay kinulot ko lang ang dulo tapos ay nag-hairpin para sa curtain bangs ko. Gusto sana ako make up-an ni Selena pero sabi ko ako nang bahala doon. Nag-liptint lang ako at pulbo, tapos nagpalagay ako ng highlights kay Selena dahil ayon lang ang nagustuhan ko sa mga make up.
Si Art ay nakatayo lang hanggang sa nagsimula na ang ceremony, pinipicturan niya kasi kami na parang isa rin siya sa mga photographer na ni-hire para sa kasal.
Tumagal ng 30 minutes ang ceremony bago kami dumiretso sa reception area. Pumwesto na kami sa mini stage na nasa gilid dahil ang unang tugtog namin ay para sa bagong kasal na uupo sa unahan. Nagpalit lang sila ng suot kaya nagready na muna kami.
"You're comfortable?" Pagtatanong ni Uno sa akin.
"Oo, may cycling naman ako."
Kaya ko naman bumukaka sa suot ko dahil may slit, kaso kitang kita ang legs ko pero nasa dulo naman ako kaya komportable ako at saka madilim naman na kaya yakang-yaka. Inipon ko rin ang buhok ko sa kaliwang braso para hindi liparin, wala kasi akong taling nadala.
Nang sumenyas ang isa sa mga host sa amin ay nagsimula na kami sa pagtugtog. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa saya ng mga nanonood nung sumayaw ang bride habang naglalakad paupo sa unahan.
Bigla akong napaisip sa future ko. Ikakasal kaya ako? O magiging busy ako to the point na hindi ko na naisip magpakasal? Magkakaanak kaya ako? Tatanda ba ako o mawawala agad sa mundo? Ah basta, ie-enjoy ko ang buhay na binigay sa akin.
Tumagal ng 15 minutes ang tugtog naming yon na paulit-ulit lang dahil parang background music lang kami habang may video na pinapakita sa projector.
Hanggang sa pwede ng sumayaw ang mga couples. Umayos ako ng upo at handa na silang panoorin, piano at gitara lang naman ang kailangan kaya kami ni Uno ay tetengga na muna.
"You look so wonderful in your dress, I like your hair like that, the way it falls on the side of your neck, down your shoulders and back."
Lumapit si Uno sa akin na ngingiti-ngiti pa. "I want to ask that girl for a dance." Bulong niya bago inguso ang isang babae malapit sa amin.
"Ask mo, mukhang matagal naman yung tugtog eh."
Kumamot pa ng batok ang binata na parang nahihiya. "Eh, baka may boyfriend."
Bahagya akong natawa. "Hindi mo malalaman kung hindi mo lalapitan."
"Nahihiya ako." Bulong pa nito kaya mas lalo akong natawa. "Tss, okay. Edi ikaw na may kasayaw."
Nangunot ang noo ko at tiningnan siya. May nginunguso siya sa gilid ko at parang natatawa pa. Tiningnan ko yon at nakita ko si Art na papalapit na sa akin, wala na siyang dalang camera na mukhang pinahawak niya kay Manager L.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...