Hindi ko alam kung paano ako nakadaan sa sala papunta sa banyo para maghilamos. Nagpalit na rin ako ng damit para naman makaharap na ako sa kanya!
"Hi, good morning." Bati ni Art nang maka-upo ako sa isang upuan.
Wala sa sarili akong napairap. "Bakit ka naman nandito?"
Ibinigay siya sa akin ang isang bouquet. Kulay puti ang mga 'yon katulad ng suot niyang polo shirt. Naka-waxed ang buhok niya ngayon na minsan niya lang kung gawin. Umaalingasaw din ang pabango niya kaya kahit nasa taas ako, amoy na amoy ko!
"Sorry kung hindi na ako nakapag-sabi sa'yo." Ngumiti ito sa akin hanggang sa nalipat sa taong nasa likod ko.
Napalingon rin ako doon at nakita ko si mama na may dalang juice. Wow, juice?! Gumawa siya ng juice for one person?! Ano 'to, hinati yung Tang Orange?
"Dito ka na rin mag-tanghalian, ha? Maghahanda lang ako, sandali." Nakangiting sambit ni mama sa kaharap ko.
"Salamat po, tita." sagot ni Art bago umalis si mama.
Nangunot ang noo ko at napabaling kay Art. Close sila?! Kailan pa? Napailing na lang ako bago ipaakyat kay Madi ang flowers na hawak ko kasi balak na niya kami asarin.
"So... bakit ka pumunta dito?" Panimula ko nang kami na lang ni Art ang nasa sala.
Ngumiti ito. "I'm courting you."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?! H-hindi naman ako... hindi naman ako pumayag!"
"Well... I've been courting you ever since, right? Hindi mo 'ko ni-reject at hindi mo rin ako sinagot so...ipagpapatuloy ko lang ang panliligaw ko." Aniya.
I laughed in disbelief. "Hindi ba... kayo ni Margareth? B-bakit... bakit ka manliligaw sa akin?"
I saw how he clenched his jaw before scratching his eyebrows. "We're nothing, she's just my friend. I would not waste my time talking to you if we're in a relationship."
"Pero... naghalikan kayo." Mababa ang tinig ko na parang ayaw ko pang iparinig yon sa kanya.
Bahagya siyang tumawa. "She kissed me for the views, may movie siya na ipapalabas kaya gumawa ng issue. She apologized to me after that. Again, we're nothing."
Natulala ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung tuwa ba ang dapat kong maramdaman pero ngayong nakikita ko siya sa harap ko, parang... parang hindi ko naisip na manliligaw pa siya ulit sa akin.
"Nak! Arthur! Kain na tayo!"
Nauna pa siyang tumayo kesa sa akin nang tawagin kami ni mama. Napailing na lang ako bago sumunod sa kanila sa kusina. Nandoon na si Melody katabi si Madison at si mama pati si papa na nasa magkabilang dulo ng lamesa.
May dalawang upuan pa doon na bakante kaya wala akong choice kundi tumabi kay Art katapat ang dalawa kong kapatid na nakangiti sa amin.
"Ilang taon kana nga ulit?" Pagtatanong ni papa na malapit kay Art.
"I'm 25 po, sir." Magalang na sagot nito.
"Tito Sony na lang. Mas lalo akong gumwapo sa sir eh." Pagbibiro ni papa na tinawanan ng dalawa kong kapatid.
Napailing ako, hindi ko pa siya nakita na makipag-biro ng ganyan, buti at pinansin niya si Arthur. Si Lando kasi ay hindi niya pinapansin noon kaya nakakatuwa na kinakausap niya si Art.
"Dancer ka hijo, 'diba?" Ani naman ni mama.
"Yes po tita. Choreographer din po ng mga sasali sa big or small competitions. May nine studio na po ako na naipatayo at balak ko pa pong magtayo ng panibagong building this year."
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...