PAC 15

10 3 0
                                    

"Si mama?" Tanong ko sa kapatid kong si Marigold.

She just shrugged her shoulders in response. Dito ako ngayon muna sa bahay dahil linggo naman at walang pasok, binisita ko sila para lang malaman na wala si Melody dahil na kay Tita sa side ni papa muna siya.

"Bakit nandoon si Melody?" 

Kumakain siya dito sa kusina at parang tamad na tamad maghugas dahil tambak ang hugasin kaya itinali ko ang buhok ko dahil maghuhugas ako.

"Huwag mong pakialaman yan." Pagpigil niya nang hahawakan ko na sana ang mga pinggan. Tumayo na siya at inilagay ang pinggan sa lababo kahit hindi pa siya tapos kumain.

"Umalis ka na lang. Tutal doon ka naman magaling, ang takasan ang responsibilidad mo bilang panganay." 

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. "Ano?" May halong inis na tanong ko.

"Oh bakit hindi ba? Ang sarap ng buhay mo doon kayla Tita habang kami dito namomroblema sa pera kaya yung mga kapatid ko? Isa-isa nang nawawala." 

Napa-cross arms ako sa gilid niya. Ayoko siyang patulan pero nakakainis na talaga siya. "Baka nakakalimutan mo, hindi ako papalayasin sa bahay kung hindi dahil–" 

"Dahil sakin? Dahil sa sinabi ko non? Eh totoo naman yon eh, hindi mo derekta na sinabing magnanakaw si papa pero ayon ang pinapalabas mo." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Wala sa sarili akong natawa. "Diretsahin mo nga ako Marigold, bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang nagawa ko?" 

Bumilis ang paghinga niya at inis na binuksan ang gripo. Hindi niya ako sinagot kaya inulit ko ang tanong ko pero pinagpatuloy niya lang ang paghuhugas. 

"Marigold sagutin mo 'ko!" Inis ko nang sigaw dahil hindi niya talaga ako pinapansin.

"Bwisit!" Huminto siya sa paghuhugas ng pinggan pero doon pa rin nakatingin. "Naiinis ako sayo! Nagagawa mo yung gusto mo, nakukuha mo yung gusto mo! Naiinggit ako! Ikaw lagi ang binibigyan ng magandang damit, sapatos, relo, pati sa kaibigan na meron ka naiinggit ako!" 

Rinig ko ang bawat hikbi niya habang nagsasalita pero hindi siya tumitingin sa akin. "Nakapasok ka sa sikat na banda, kaibigan mo si Lando, close kayo ni Madi, ni buhok o mata mo kinaiinggitan ko ate! Naiinis ako sayo, sana… sana ikaw ako, sana ako ang panganay, mas may kwenta naman ako kesa sayo!" 

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha sa mata ko. Kinaiinggitan niya ang buhay na kinaayawan ko?

"Mari, hindi madali maging panganay." Kumalma ako ng kaunti dahil alam ko, sasabog ako ngayon sa harapan niya. 

"Alam mo ba kung gaano kabigat ang salitang panganay? Kapag may nangyari sa inyong mga kapatid ko, sa akin ang sisi. Sa akin ang pressure, pressure sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagbibigay ng pera dito. Magagandang damit? Umaasa lang ako sa bigay kasi hindi ako makabili dahil kailangan kayo muna."

She didn't talk so I continued talking. "Natatakot kami na mag-fail kasi isang fail lang… wala ng kwenta lahat ng pinaghirapan namin. Bawal ang salitang pagod, bawal ang salitang 'ako muna', ang daming expectations, kahit ginagawa ko na ang best ko parang wala pa rin yon." 

I sobbed. "May buhat-buhat kaming responsibilidad na hindi naman namin hiningi, Mari." 

Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong umiyak kasabay niya. "Kaya huwag mong kainggitan ang buhay na meron ako. Huwag mong pangarapin maging panganay. Si ate na ang bahala don, sorry kung yung best ko hindi pa rin sapat, sorry kung nag-fail na naman ako as panganay, babawi ako. Babawiin natin si Madi."

Pagkatapos non ay nagkulong lang siya sa kwarto at hindi na tinuloy ang paghuhugas. Ako na ang tumapos non at naglaba na rin ako dahil ang dami ng damit sa hamper, ayoko naman na iwan ang bahay na magulo, baka mahirapan si mama sa paglilinis.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now