PAC 16

13 3 0
                                    

"This summer break may schedule kayo sa Batangas, that's a kind of seaside wedding. Maybe you're wondering why Fourteen Tres was invited as their wedding band, pwede naman sila kumuha ng bandang into wedding talaga but you know, their one and only daughter requested Fourteen Tres for their special day."

Nasa office kami ngayon ni Manager L para i-discussed ang nasabing up coming seaside wedding. Na-excite agad ako nang marinig palang na seaside! Ang tagal ko nang hindi nakakita ng dagat, gusto ko na ulit malasap ang maalat na dagat.

"Nasabi mo bang hindi pa kami nakaka-experience ng wedding performances?" Ani Tres na katapat ko.

"Of course. But now, magkaka-experience na raw kayo." He laughed slightly.

"Uuwi agad pagkatapos ng tugtog?" Parang malungkot na tanong ni Uno.

"Of course... " 

Pare-parehas kaming nalungkot. Akala ko makakapag-swimming na ako! Gusto ko pa naman mag-swimming sana…

"Not," Dugtong ni Manager kaya nagsi-apiran kaming lahat, iiyak na sana ako eh. "We're going to have a three days, two nights vacation there. Kaya maghanda na kayo ng mga gamit, magpaalam na rin kayo." 

Hindi ko mapigilan hindi ma-excite. Makaka-bakasyon na rin ako kahit tatlong araw lang! Ayos na yon kesa naman laging stress sa mga requirements sa school. 

"Art will be there as the band's photographer. For documentary lang naman, nakausap ko na siya para doon." 

Natigilan ako. Si Art… kaninang 5 nang magising ako, umaandar pa rin ang call. Nakatulog siya na topless sa study table niya na malapit pa ang mukha sa camera. Yes, hindi niya talaga pinatay ang tawag, nag-screenshot lang ako bago patayin ang call. 

Kapag naiisip ko ang hitsura niya kanina na tulog, napapangiti talaga ako. Ang cute niya kasi, bahagya pang nakabukas ang bibig at may mahinang hilik. Lalo na kapag naalala ko ang mga binigkas niyang salita bago ako makatulog.

"And Mickey, please wear a dress, okay?" Huling paalala ni Manager na tinawanan naming lahat.

Pagkatapos ng meeting ay nagyaya sila na puntahan si Art sa studio niya. Lagi raw kasing si Art ang pumupunta sa amin kaya ngayon, kami na ang pupunta doon.

"Sigurado kayo? Baka magalit yon, ayaw niya ng may istorbo sa pagtuturo niya," kinakabahang sabi ni Uno.

Tumawa lang si Tres. "Hindi yon magagalit sa harap ng mga bata. Isa pa, ililibre natin ng meryenda ang mga students niya para hindi na siya gumastos."

Bahagya akong nagulat. Gumagastos si Art pang-meryenda sa mga estudyante niya? Wow, ang bait naman pala.

"Nandoon ba si Isaac?" Biglang pagtatanong ni Selena nang maisarado ang pinto sa front seat.

"I don't think so… but maybe later in the evening. Mas mahaba ang oras nila sa gabi." 

Isaac? Parang pamilyar sa akin ang name na yan ha, sino nga ba ulit siya? "Uy, magpapaiwan yan para makita si Isaac." Pang-aasar ni Dos na tinawanan lang ni Selena.

"Sino si Isaac?" Pagtatanong ko.

"Kuya ni Art. He's a dancer too, may grupo siya ha? Hindi mo alam?" Sagot ni Uno sa akin. 

Nangunot ang noo ko bago umiling. Hindi ko talaga kilala eh. Ganon na ba ako ka-busy sa school at hindi ko alam ang tungkol sa mga grupo grupo na sikat sa University? Ang grupong Fourteen Tres lang talaga ang kilala ko dahil… medyo crush ko si Tres.

"Soulful Waves. Sumikat sila pagkatapos manalo ng second place sa isang international contest. Isaac is the Leader." Paliwanag niya.

Napatango-tango ako. International? Ang galing naman pala nila, nakaabot na sila sa ibang bansa. Ako kaya? Kailan kaya ako makakatapak sa ibang bansa bilang drummer ng Fourteen Tres?

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now