TW: Sexual Assault
Nag-request ako kay Manager L kung pwede na ako mauna umuwi sa Manila ay pinayagan naman niya ako. Kaso pagkatapos pa raw ng scuba diving at lunch. Pumayag na lang rin ako basta makauwi ako ngayong araw para kay Mari.
"Ihahatid kita." Pag-ulit na naman ni Art. Kanina niya pa sinasabi yan at hindi ako pumapayag.
Kanina nung nag-scuba diving kami, hindi niya ako binitawan. Hawak na hawak siya sa kamay ko na parang siya ang instructor ko, nagpakain rin kami ng mga isda at nakakita ako ng pawikan. Nag-enjoy naman ako pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni mama.
"Art huwag na, mag-enjoy ka rito." Sagot ko habang nag-aayos ng gamit. Si Uno naman ay nanonood lang sa amin.
"Oo nga." Singit ni Uno.
Maitim.
"Hindi ako mage-enjoy if you're not around. Hayaan mo na kasi akong ihatid ka."
"Oo nga." -Uno.
"Sayang lang, samahan mo sila dito. Minsan ka lang mag-bakasyon." Sagot ko bago taliin ang plastic na pinaglagyan ko ng basang damit.
"She's right," Si Uno na naman.
"I don't care, basta ihahatid kita." Aniya pa at inayos na ang mga gamit niya.
"Oo nga, Mickey."
Kunot noo akong napalingon kay Uno. "Puro ka oo nga! Sanggol ka ba?"
Gusto ko na siya bigwasan pasalamat siya malayo siya! Tumawa lang ang gago at nag-peace sign tapos ay nahiga. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit. Nakasuot na ako ngayon ng pants at red long-sleeve, itinali ko na ang buhok ko at nag-apply ng kaunting lip balm.
Napalingon ako kay Art na nag-hoodie ulit na kulay gray at black pants. Nag-shades na siya at cap tapos ay nagpabango. Tss, hindi talaga nakikinig, sasama pa talaga.
Dahil nakabihis na siya ay wala akong magagawa kundi isama siya. Pagbaba namin ay nandoon sila Manager, Dos, Selena at Tres.
"What? Sasama ka Art?" Bungad ni Selena.
Tumango lang si Art at pilit inagaw ang malaking bag na dala ko. "Ako na."
Napabuntong hininga ako at binigay na lang. Yung shoulder bag na lang tuloy yung dala ko habang siya dalawang bag ang bitbit.
"But why? Si Mickey lang naman ang nagpaalam." Ani pa ulit ni Selena na parang naiinis.
"Ihahatid ko siya, got a problem with that?"
Siniko ko si Art dahil sa pagsagot niya. Parang nagyayabang pa! Tiningnan niya naman ako pero hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa shades na suot.
"Manager!" Inis na sabi ni Selena na parang nagsusumbong.
May gusto sana sabihin si Manager pero itinikom na lang niya ulit ang bibig kaya nagsalita na si Tres.
"Ingat kayo." Aniya sa amin bago niya hilain si Selena palabas.
Agad kaming hinarap ni Manager at may binigay kay Art. "Use my car, sa van na lang ako sasabay. Take care, text me when you got there."
Ngumiti ako at niyakap siya, "Salamat po."
Nagpaalam na kami kay Uno at Dos pagkatapos ay umalis na. Ang dami pang tumitingin sa amin habang papunta kami sa parking lot at nagulat ako dahil habang naglalakad kami sa mainit na beach ay sinuotan ako ni Art ng cap. Ayon yung cap na suot niya kanina kaya ngayon hood ng hoodie na lang ang nasa ulo niya.
Pagkarating namin sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto habang siya ay inayos pa ang gamit namin sa likod.
"Here, incase you want to sleep." Inabutan niya ako ng neck pillow na tinanggap ko naman na may ngiti sa labi.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...